Page 7

12 3 0
                                    


Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ng dalaga. 

Lumambot ito ng marinig ang palayaw ng dati niyang kalaro at kababata. 

"Dodong,.....dodong...,"naisip niya saglit. 

"NONONG"? bigla niyang bulalas.

 Napahagikgik na lamang ang binata dahil sa paraan 

ng pagsasalita ni Valerian.

 "Oo, ako 'to, ang NONONG mo I mean Dodong." 

Pinaningkitan siya ng dalaga dahil sa pag-ulit nito sa sinabi niya. 

Siya si Braille Von D. Araneta "aka" DODONG. 

Minsan naisip ng dalaga kung bakit ang layo 

ng palayaw nito sa tunay na pangalan.

 "Ao ang ip mo a uhay at ay a-okey eect ka pa"?, tanong ng dalaga. 

"HUH??! Ano ulit yun?", pangungulit ni Braille 

habang tinatakpan ng kamay ang sariling bibig. 

"Ean o ayo!"

 Tatalikod na sana ang dalaga ng hinawakan siya

 sa kamay ng binata.

 "Oh wait lang, ito naman oh hindi na mabiro. 

Alam mo naman na ganito talaga ako sayo.

 Hihihi." Hindi naman sa hindi naintindihan ni Braille ang sinabi ni Valerian. 

Gusto lang talagang mang-asar ng binata sa kanya. 

Ganito naman talaga ang lagi niyang ginagawa 

noon kapag magkasama silang dalawa.

Tiningnan niyang muli ang kanyang kababata.

 Ang laki na ng pinagbago nito.

 Kulot na ang noo'y tuwid na buhok.

 May bangs ito na sakto lang at hindi pa rin

 naman nawawala ang singkit nitong mga mata. 

Slim ang hubog ng katawan at hindi maikakaila

 na sexy itong tingnan sa mga fitted na outfits. 

Kung titingnan ang dalaga sa pisikal nitong 

anyo ay masasabi mo talagang perpekto ito. 

She's like a ran away model na kay simple lang manamit. 

Pero, may iba kay Valerian. 

 Ipinanganak itong may deperensya sa pagsasalita. 

Hindi nito maibigkas ng wasto ang ibang letra sa alphabet. 

Pero kahit ganun paman ay nanatili pa rin siyang 

kalaro at kaibigan ng dalaga nung mga bata pa sila. 

Hindi katulad ng iba na kinukutya siya at minsa ay binubully ng husto. 

Sa mga panahon na iyon ay nagsilbing siyang tagapagtanggol nito. 

Minsan nga ay palagi siyang nakikipag-away sa mga taong bumully sa dalaga.

 Pero ang kanilang pagkakaibigan ay hindi rin naman 

nagtagal dahil umalis ang pamilya ni Braille at isinama siya sa States. 

Sa paglipas ng panahon at ilang taon ay masasabi 

talaga ng binata na may kulang sa kanya. 

At iyon ay ang presensya ng dating kaibigan. 

Nakakamiss rin palang mangulit at galitin ang kababata niya.

 Kaya after graduating computer science sa 

States ay plano ng binata na bumalik sa Pilipinas. 

Kaya ito na siya ngayon. Sobrang saya ang kanyang nararamdaman

 dahl sa wakas ay nagkita na ulit sila. 

My Ngongo Girl (ONE SHOT STORY ) CompletedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ