Page 5

15 4 14
                                    

O.O  Gulat na gulat ang dalaga ng malaman kung sino

 ang humila sa kanya. Yung nakabangga niyang

 lalaking nakahood kanina. 

Ang initial reaction niya ay pinagtutulak niya ang lalaki 

at pinagsusuntok. Bigla siyang kinabahan. 

Kinapa kapa niya ang bulsa ng kanyang pantalon 

at hinanap dun ang kanyang cellphone.

 Mas bumilis pa ang tibok ng kanyang puso ng malamang

 wala dun ang kanyang hinahanap. 

Tatawag sana siya sa kanyang ate at mga magulang baka 

kasi kung anong gawin ng lalaking 'to sa kanya. 

Mas lalo niyang binigyan ng lakas at pwersa ang bawat

 sipa at suntok niya sa lalaki. 

Pero nakakapagtaka naman dahil wala pa naman itong 

ginagawang masama sa kanya. 

Nakatungo pa rin ito kaya hindi niya malaman kung ano 

ba talaga ang mukha nito. Pero nasa isip niya na baka nag-iisip 

pa lamang ito ng pagkakataon. 

Binalak sana niyang sumigaw at humingi ng tulong pero 

may biglang naalala si Valerian.

 Baka pagtatawanan siya ng mga taong makarinig sa kanya. 

Hindi pa rin niya tinitigilan ang kanyang ginawa sa lalaki.

"Aray!" Narinig niyang sabi ng lalaki. 

Biglang kinuha ng lalaki ang dalawang braso niya at isinandal siya 

sa pader nito. Pinilit gumalaw ng dalaga pero hindi niya

 magawang kumilos. Umayos ng tayo ang lalaki at ibinaba ang

 hood na kanina pa nakatakip sa ulo at maging sa kalahating

 bahagi ng mukha nito. Kung susukatin ang taas nito,

 nasa '5"8' ang nasabing lalaki. 

Katamtaman lamang ang pangangatawan at sobrang puti ng balat nito. 

Tinitigan siya nito ng mata sa mata. 

Maya't maya lang ay biglang lumapit ang mukha nito

 sa mukha ng dalaga. Nanginginig si Valerian. 

Hindi niya alam kung anong binabalak ng lalaking kaharap niya ngayon. 

Isang bagay na lamang ang maari niyang gawin, at iyon ay ang humingi ng tulong.


My Ngongo Girl (ONE SHOT STORY ) CompletedWhere stories live. Discover now