Chapter 17|| Feelings

48 4 0
                                    

ZED



Buong maghapon akong nakangiti dahil sa nangyari kaninang umaga. Hindi ko parin mawala sa isip ko ang mukha ni Driss kanina habang tinatanong siya ni Kris tungkol sa nakita niyang pag yayakapan namin. Pulang pula ang mukha nito at talagang iniiwasan nito ang tanong ni Kris. Ewan ko ba pero ang saya ko kanina. Yes I admit na nagulat ako sa biglang paghalik niya sa'kin kanina. Hindi ko naman inaasahan na hahalikan niya ako eh. At sa harap pa talaga ng maraming tao. Sa harap ng ex niya.



 I feel giddy about thinking what happened earlier. Pero minsan nalilito narin ako sa mga kilos na pinapakita ni Driss sa'kin. Tinanong ko siya kanina kung bakit niya ako hinalikan pero naduwag rin ako kaagad eh. Takot ako marinig ang sagot niya. Baka kasi sabihin niya na ginawa niya lang yun dahil sa sinabi ni Draxx. Takot akong malaman ang totoong sagot sa nangyaring paghalik niya sa'kin kanina. Pero inaamin ko, umaasa akong may katiting na siyang pagkagusto sa'kin. Kahit katiting lang.   



Naglalakad ako ngayon papunta sa music club room dahil sa gaganaping meeting. Next week na kasi ang foundersday ng campus at may program ito which is magtatanghal kami. Ako pa lamang ang nasa loob ng music room pagkapasok ko. Wala pa ang iba dahil sa mga time schedules ng mga kursong kinuha nila, di kagaya ko na maagang nakalabas dahil wala ang last prof. namin. Umupo muna ako saglit sa may coach at kinuha ang gitara sa malapit. I strum the guitar strings and feel like singing what I feel right now.  



'I won't lie you

I know that he's just not right for you

And you can tell me If I'm off

But I see it on your face

When you say that he's the one that you want

And your spending all your time

In this wrong situation

And anytime you want it to stop'


'I know I can treat you better

Than he can

And any girl like you deserves a gentleman

Tell me why are you wasting time

On all your wasted crying

When you should be with me instead

I know I can treat you better

Better than he can

Ohhh...

Better than he can'



"Ang ganda pala ng boses mo. Akala ko president ka lang sa music club dahil ikaw ang nagtatag nito, pero mali pala ako." Agad akong napatayo at napatigil sa pagkanta ng marinig ang boses niya.



"Kanina ka pa diyan?" Gulat na tanong ko sa kanya. Natatawang umiling naman ito saka lumapit sa'kin at umupo sa katabing sofa.



"Nope. Kakadating ko lang rin at sakto naman na narinig kitang kumakanta." Oh. Umupo narin ako sa sofa saka inilapag ang gitara sa gilid.

The Aesthetic GeekWhere stories live. Discover now