Chapter 31|| Hurt

38 5 0
                                    

(Play 'Imahe' by: Magnus Haven)


ZED



Hindi ako mapakali sa hinihigaan ko. Malapit ng mag ala-una pero hindi pari  ako makatulog. Si Driss kasi ang iniisip ko. Hindi kasi ito bumaba kaninang hapunan dahil nakatulog. Sobrang pagod niya siguro sa biyahe kaya napataas ang tulog niya. Nagpa-reserve naman ako ng pagkain sa kanya sa baba kanina sakaling bumaba ito pag nagutom. 



Hindi ko na talaga kaya pa at tumayo na ako sa kinahihigaan. Tulog na si Lance sa kabilang kama, siya ang roommate ko sa kwartong tinutuluyan namin ngayon. Isa siyang civil engineer student. Inis kung kinuha ang jacket sa may cabinet saka ito sinuot at naglakad palabas.



Tahimik na ang hallway sinyales na tulog na ang mga taong naka-check in dun. Agad akong nag tungo sa restaurant na pinagbilinan ko ng pagkain ni Driss para itanong kung bumaba na ba ito at kumain. Nakita ko naman yung matandang pinagbilinan ko kaya agad ko itong nilapitan.



"Magandang gabi manong. Ako po yung may iniwan na pagkain para sa kasama ko." Bumaling naman ito sa'kin saka ngumiti.



"Ah oo! Ikaw yung Kayper!" Napangiti naman ako sa paraan ng pagkakasabi niya sa pangalan ko.



"Uhmm opo ako yun. Magtatanog lang po sana ako kung bumaba na po ba siya?"Tumango naman kaagad ito.



"Ahh, oo hijo! Nasa may dalampasigan siya ngayon at kumakain, puntahan mo nalang."Magiliw na sabi ng matanda na ikinangiti ko.



"Ah ganun po ba? Sige po salamat."Saka ako lumabas sa restaurant at nagtungo sa dalampasigan. Palinga-linga pa ako kung nasaang banda si Driss ng mahagip ng mga mata ko ang bulto ng isang babae sa may tagung parte habang hawak-hawak ang pisngi ng kausap na lalaki. Kumurot kaagad ang puso ko ng makilala kung sino ang mga ito.



Si Driss at Draxx.....



Lumapit ako ng kaunti para marinig ko ang pinag uusapan nila. Nagtago ako sa puno para hindi nila ako mapansin saka sila pinakinggan.



""Mahal na mahal kita Draxx. Lahat ng gusto mo gagawin ko. I'm one of those women who will bow down before you. I loved you for a very long time that I felt the happiest when we became together. You are my vitamine C. My future prince charming like the fairy tales I've read in books." Para namang tinusok ng ilang libong punyal ang puso ko dahil sa narinig lalo pa ng ngumiti si Driss kay Draxx. Parang tumigil ata sa pagtibok ang puso ko dahil sa sakit.



So mahal parin niya si Draxx hanggang ngayon? Akala ko na palitan ko na eh. Akala ko. Agad akong umalis sa kinatatayuan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na tinapos ang pakikinig ko sa pinag-uusapan nila dahil sa sakit. What I heard is enough already for me to leave. Sinampal na ako ng katotohanan eh, magbubulag-bulagan pa rin ba ako? Dinala ako ng mga paa ko sa isang mini bar sa malapit. 

The Aesthetic GeekWhere stories live. Discover now