Chapter 28|| Star City

29 5 0
                                    


DRISS



Malungkot ako nakatingin kina kuya Matt ngayon sa sala habang naghihintay sa kay manong Gilbert. Ngayong araw na kasi ito ang balik nila sa L.A, It's been a week since my birthday celebration happened it was one of the most memorable birthday I had. Hindi naman na uwi sa lahat ang pag-uwi nila dahil sa isang linggong pananatili nila dito ay sinulit talaga namin ng magkasama. We always eat breakfast and dinner together just like the old times. Nagbibiruan rin sa sala, nagmo-movie marathon sa gabi at of course ang miss ko ng gawin, ang ipagluto sila ng cake. 



I let them eat my latest cake which is the triple bavarian cake. Sobrang nagustuhan nila lalo na si kuya Alvis at kuya Quiro. Simula rin nung mauwi sila dito ay sa iisang kwarto nalang kami lahat natutulog pag gabi at yun ay dahil sa'kin. Gusto ko silang makasama ng mas matagal at hindi rin naman sila umangal sa sinabi ko. Napatingin naman si kuya Quiro sa'kin saka bumuntong hinga. Tumayo ito saka ako nilapitan sa may staircase.



"May problema ka ba?" Tanong nito. Napa buntong hininga nalang ako.



"Hindi ba talaga ako pwedeng sumama sa airport?" Hindi nila kasi ako pinayagang sumama dahil baka dumugin raw ako dun ng mga tao.



"Driss, we already talk about this last night right? I thought you understand." Mahina lang akong tumango rito.



"I did understand kuya pero...." Nagbaba nalang ako ng tingin. Mamimiss ko ulit sila. Niyakap naman ako ni kuya Quiro ng napakahigpit.



"You can always call us right? Kahit anong oras, we will answer your call. Don't be sad Driss. Magkikita pa naman tayo sa susunod eh tsaka pwede naman tayong magface time. We can always find ways to keep in touch with each other. We will never be far as long as you have us in your heart." Tumango nalang ako sa sinabi niya saka lumayo.



"Call me once you arrive there." Ngumiti naman siya sa'kin saka ginulo bahagya ang buhok ko.



"I will." Napatingin naman kami kay kuya Alvis ng bigla itong sumigaw.



"Syet! Nakita na rin kita!" Nakangiting sabi nito habang nakatingin sa cellphone. Kumunot naman ang noo ko saka napatingin kay kuya Quiro na inirapan lang si kuya Alvis.



"Does kuya Alvis already have a girlfriend?" Tanong ko rito.



"He still doesn't have but he met someone on his last race. A woman who beat not just the race but also his ego to the ground." Nakangising sabi ni kuya Quiro sabay baling ulit ng tingin kay kuya Alvis.



"A girl huh? What's her name?" Nagkibit balikat lang ito.

The Aesthetic GeekWhere stories live. Discover now