Seventeen

1.9K 76 7
                                    

Chapter Seventeen

Hindi ako makatulog. Nakakainis. Naaalala ko kasi yung tingin sa'kin ni Kevin kanina. Paano kung... paano kung... Ako pala talaga 'yung gusto n'ya? Hala. Pero hindi. Imposible. Braders kami sa text nun dati eh. Tho lagi akong nananalo.

Naalala ko 'yung tingin n'ya sa'kin kanina. Parang may meaning. Hays.

O ako lang nagbibigay?

Sandali! Napaka-assuming ko na naman. Feeling ko na naman ang ganda ganda ko. WTF?

Natawa pa ako nang konti sa reaction ko. Pagkatawag ko sa kan'ya niyaya ko na s'yang umuwi. Mukhang tanga. Tapos awkward na pauwi. HAHA mukhang tanga talaga. Obvious na obvious haha.

Si Keanu. Bakit ganun? Hindi man lang s'ya pumunta dito sa akin. 'Di n'ya man lang ako kinausap.

Pero sa totoo lang. Nahihiya na ako sa kan'ya. Halos umamin na ako na gusto ko na s'ya. S'ya kasi eh. Pinapatalbog ang puso ko.

Pero... imposibleng pagmamahal 'to kasi masyadong mabilis.

Nakakainis 'tong magkapatid na 'to! Pasok nang pasok sa utak ko. Inay! Babalik na ako sa bahay. Uwi na kayo. Huhu.

Hays. Lumabas na muna ako ng kwarto since 'di ako makatulog. Pasok nang pasok si Keanu sa utak ko. Tuwing pumipikit ako, mukha n'ya ang nakikita ko. And imagine nang imagine yung utak ko na magkasama kami. Na masaya kami.

Gusto ko nang matulog. Ugh! Leche ka Keanu imbes na wala akong pinoproblema ngayon e. Tsk

Pumunta ako sa garden. Saka tumingin sa stars.

Umupo ako sa upuan doon.

"So close yet so far," nasabi ko nang mahina.

Abot kamay ko s'ya pero hinding-hindi ko s'ya maaabot. World. Why so cruel?

"Penny for your thoughts?" Nagitla ako sa poging boses. Oo. Si Keanu. Nakilala ko ang boses n'ya pero wala na 'yung dating sigla tuwing nag-uusap kami. Bakit Keanu? May ginawa ba si Sui sa'yo?

Umupo s'ya sa katabi kong upuan.

Hindi ko s'ya sinagot. Ayoko s'yang kausapin. Dapat ko ba s'yang kausapin?

Kung aalis ako. Talo ako. Ibig-sabihin iniiwasan ko s'ya na totoo na naman. Pero nakakahiya yung sinabi ko kanina.

"Still won't talk to me?"

Napatingin ako sa kan'ya. He's wearing that smile again. Ang pogi n'ya kainis. Natutunaw ako.

'Di ko na naman makapa ang sasabihin ko. Wala rin naman yata akong planong magsalita.

"Bakit ka ba naging gan'yan?"
"N-naging gan'to?" Sa wakas! Natagpuan ko rin ang boses ko. Pero tangina bakit ba ako palaging nauutal pagdating sa kan'ya.

"Bigla mo akong 'di kinausap. Namimiss na kaya kita."

Tumalon na naman ang puso ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kan'ya. May banda na naman sa loob neto. Sobrang bilis ng tibok n'ya. Plano mo bang lumabas d'yan?

I sighed. Napapadalas yata ang pagbuntong-hininga ko ah.

"Alam mo... 'yung sa first love," he chuckled.

Eto na naman. My heart keeps on beating fast. Pero masakit. Kasi first love yun. First love never dies the say. Applicable din kaya sa kan'ya yun?

"It was just a joke."

Wut? Agad akong napatingin sa kan'ya. He's smiling.

"I'm just kidding that time but you overreacted and didn't talk to me for hours."

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon