Forty Four

1.1K 46 9
                                    

Chapter Forty Four

Zia:

Hi. Good afternoon. Kakagising ko lang, pwedeng mga 1:30 na?

Reply ko sa kan'ya na kinikilig. Wala pang dalawang minuto e nagreply na s'ya.

Keanu babes:

Alright.

Wow. WOW HA? My loves naman bat gan'yan kaikli?

Pero sabagay, mas okay naman na 'yun kaysa sa K-zone.

Tumayo na lang ako saka pumunta sa banyo. Mamaya na ako kikiligin. Hihi.

Pagtapos ko maligo ay napahiga ako sa kama.

Shoot! Ano susuotin ko????

Okay. Zia. Calm the duck down!

Tumayo ako at saka chineck ang drawer ko... uhhhhh... magde-dress ba ako?

Ang OA naman nun. Kinuha ko na lang 'yung black na skirt ko tapos kumuha ako ng tshirt para 'di gaanong pinaghandaan kunwari hehe. Nag-vans na shoes na lang din ako tas pinaliguan ko 'yung sarili ko ng pabango. Humarap ako sa salamin.

Ughhhh... kinuha ko 'yung turban na pink at sinuot syempre ano pa ba? Hahahaha.

Baka nagtataka kayo kung bat may ganito akong chuchu. Kasi nagagalit si inay pag may special occasion tas napakanlalaki akong porma hehe 'di ko naman alam na magagamit ko pala talaga to kahit walang okasyon. Lol.

May kulang. Ah! Makeup.

Makeup...

Makeup...

Napailing ako. No way Jose! Hahaha. Malagkit. Mainit. 'Wag na!

Lumabas na lang ako ng kwarto syempre para umalis na. Pagtingin ko e 1:25 na. 'Di naman ako late. Hehehe. Nakita ko si inay na nanunuod ng tv syempre nagpaalam na 'ko.

"Pasaan k—Zia?!" gulat na tanong n'ya na nanlalaki pa ang mga mata. "Birthday mo na ba?!" tanong n'ya ulit.

Nay? Talaga ba nay?

"Manchichicks," sabi ko na lang saka dumerecho sa pinto.
"Ay naglalandi na anak ko."
"Nay! Stop. Para kang teenager o."

Tinitigan n'ya lang ako.

"Keanu ba o Kevin?" sabi n'ya na may tonong nang-aasar. "Mas gusto ko si Keanu nak." Namula naman agad ako dahil sa sinabi n'ya.
"Gusto ka ba?" Sinamaan naman n'ya ako ng tingin. "Joke lang nay, e. Ewan ko sa'yo! Aalis na nga ako."
"Makikipagkita ka ng ganyan??! Kaya ka pala mukhang bulate kanina." Huhu naaalala pa n'ya 'yun? Ano kayang magandang pampukpok para makalimutan n'ya? Hehehe joke.
"Nay?! Anong makikipagkita? H-hindi, a!"
"Sus. Gan'yan din ako dati. Lika rito makeup-an kita."
"'Wag na! Malelate na ako!" sabi ko na lang kasi nga namumula na ako. At saka nakakahiya kaya!!! Close kami ni inay pero 'di ko naman s'ya nasasabihan ng tungkol sa lablayp ko 'no.

At saka... first time 'to, e.

"Hindi ka aalis ng gan'yan!" pautos n'yang sabi sa'kin. Jusko naman talaga, o.
"Light lang, a."

Tumango naman si inay saka excited na pumunta sa kwarto nila ni itay.

"Hindi ko akalain na magagawa ko to sa'yo nang 'di ka tinatali."

Hindi na lang ako sumagot. 'Di naman n'ya' ko tinatali pero minsan naiisip ko gusto na n'ya 'kong itali dahil nga ayaw kong magpagan'yan. Kung anu-ano na lang nilagay ni inay sa mukha ko na 'di ko alam since 'di naman ako mahilig sa makeup hanggang sa natapos na. Binigyan n'ya 'ko ng salamin...

Zipper Mo Bukas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon