Ch 47 (2) Change

14.4K 213 31
                                    

Jerome POV: 

Niyu-yugyog ko ang doktor habang umiiyak. "P-please. Buhayin nyo ang anak ko" 

"J-jerome" Narinig ko ang mahinang tawag ni Kath ngunit hindi ko ito pinansin. Tuloy parin ako sa pag yugyog sa doktor. "P-parang awa nyo na! Ibalik mo sakin ang anak ko. Buhayin mo sya" Tuluyan na akong napa hagulgul. "AHHHH BUHAYIN MO ANG ANAK KO!" 

"PUTANG INA! JEROME!" Sigaw ni Daniel na agad kong ikinagulat. Nang lumingon ako sa kanya ay ang malawak nyang palad ang dumako sa buong muka ko. "Napaka OA mo!" 

"Hah?" Confuse kong tanong habang pinapahid ang aking mga luha. "Hindi pa patay ang anak mo kaya manahimik ka!" 

"W-what?" 

"Ayun oh" Napa tingin ako kay Prince na naka tingin saken habang nag pipigil ng tawa. "B-bu.. B-but.. P-pero." 

"Pero tanga ka!" Sabi ni Daniel at sinapol na nga ang batok ko. "Naka tulog lang yung bata nag panick kana. Pati yung doktor inabala mo" 

"Hah? Eh bakit nag flat yung linya nung heart rate nya?" 

"No shit! Natanggal kasi to oh" Sabi ni Daniel habang ipinapakita yung cord na naka kabit dun sa electrocardiogram machine. 

"Eh bakit tumingin sa orasan yung doktor at umiling?" 

"Eh kasi nga inabala mo." Sabi ni Kath at pumunta na duon sa doktor. "Pasensya na po doc. Hindi ko po talaga alam kung ano ang hinithit nyan eh. Makaka alis na po kayo" Sabi ni Kath at ngumiti. 

Nginitian naman nung lalakeng doktor si Kath at hinaplos ang balikat nito "Walang ano man yon. Basta para sayo. Eh este sa pamilya mo okay lang" 

Agad namang namula ang tenga ni Daniel at hinigit si Kath sa tabi nya "Asawa ko to oy! Mag hanap ka ng sayo" Sabi ng ulol kaya naman napa tawa kaming lahat. 

"Andito na! Nandito na sya!" Agad kaming napa lingon kay Princess na kapa pasok palang sa pinto. 

"What the fuck?" May kasama kasing pari ang dalaga. 

"Sino yan?" Sabay na sabi naming lahat. 

"Si father june. Sya ang mag kakasal sa ating dalawa" Naka ngiting sabi nung dalaga habang hinihigit si Father papunta sa tabi ng kama ni Prince.

"T-teka? A-ano? Kasal?" Sabi ni Kathryn

"Eh hindi naman pala kami mag kapatid diba? Alanganan naman na mag hintay pa ko ng matagal. Baka mamaya kung anong masama na naman ang mangyari eh. Hindi ko na papayagan yon kaya-" Lumuhod si Princess sa gilid ng kama ni Prince at kinuha ang mga kamay nito. 'Prince, will you marry me?" Naka tingalang sabi ni Princess sa anak ko habang may hawak-hawak na sing-sing na nabibili sa kanto sa labas ng eskwelahan. Mga tag li-limang piso ata iyon. 

18+ When History Repeats DLS2 (Kathniel)Onde histórias criam vida. Descubra agora