Chapter 3: HIS LIVING HUSBAND

546 19 0
                                    

Accidentally Married A Dead Woman

Third Person's POV

Gabi na at wala parin si Cedwarg. Akala ng mga magulang niya ay nauna na siya sa mansion ng mga Park. Sabi kasi ng mga katulong nila ay umalis na daw ang kanilang Young Master sa kanilang mansion kaya ipinagtataka nila kung bakit wala ito rito.

"Nasaan na ang inyong anak, Mrs Hyun?" tanong ng ina ni Jemea. Ang babaeng mahal ni Lance Cedwarg at ang kaniyang fiancé.

"Akala namin ay nandito na siya. We're so sorry," sabi ng ina ni Lance at humingi ng paumanhin.

Samantala, si Jemea ay nakaupo lang sa kaniyang upuan na nakayuko. Iniisip nito kung bakit wala pa si Lance. Eh kanina nga, excited pa itong makita siya. Madaming katanungan na tumatakbo sa utak niya ngunit pinilit niya lang itong isantabi. Ayaw niyang mag-isip ng masama kay Lance. Kilala niya si Lance, ni minsan ay di pa siya binigo, kaya ngayon ay labis ang kaniyang pag-alala at mga katanungan sa kaniyang isipan.

"Baka ayaw niyang pakasalan si Jemea?" tanong ng ama ni Jemea na halatang nababagot at naiinis na kakahintay kay Lance.

"Mahal ni Lance si Jemea ng sobrang-sobra at saksi tayo ro'n. Kaya walang rason upang 'di siya sumipot," sagot ng ina ni Lance.

"Lumalamig na ang pagkain at gutom na ako. Unti-unti na ring lumalalim ang gabi," sabi ng ama ni Jemea.

"Baka ano na ang nangyari. Hanapin niyo ang anak ko," sabi ng ama ni Lance sa kaniyang mga bodyguards. Nagbow naman ang mga ito at lumakad na.

"Dalawang araw mula ngayon ay kasal na nila. Dapat makita na si Lance," sabi ng ama ni Jemea.

"Aakyat muna ako sa taas," biglang sabi ni Jemea at tumayo na ito sa kaniyang kinauupuan at umakyat sa taas na kung saan ang silid niya.

"Kung ayaw niyang pakasalan ang anak namin ay sabihin niya lang," may bahid na inis na sabi ng ama ni Jemea saka rin ito tumayo.

Tumayo rin ang ina ni Jemea at naiwan sa mesa ang ama at ina ni Lance. Nagkatitigan ang dalawa, at kita sa mukha nila ang pag-alala.

"Tayo na Marcelina, baka bukas ay uuuwi na si Lance," sabi ng ama ni Lance.

Sa silid ni Jemea, nakaupo lang siya sa kaniyang kama, at labis ang pag-alala sa kaniyang dibdib. Bumuntong-hininga siya at lumapit sa veranda. Malamig ang hangin at kita ang buwan na nagbibigay ilaw sa madilim na paligid.

"Sana nasa maayos kang kalagayan mahal ko," wika nito sa hangin.

"Hihintayin kita. Alam ko na bukas ay nandito ka na. Sana ay ligtas ka kung nasaan ka man." Tumungo si Jemea saka bumuntong-hininga.

"Mahal kita Lance. Sa iyo lang ako gustong magpakasal at wala ng iba pa," sabi niya saka pumasok sa loob ng silid.

•••

CED'S POV

Dama ko ang sakit ng aking ulo. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. May mga ilaw na nakadikit sa pader na nagbibigay liwanag sa silid na ito. Puno ng bahay ng gagamba, sirang kurtina, at yung hinigaan ko ay kabaong na luma na.

Bigla akong napatayo at nabutas ko pa ang sahig at nabaon ang paa ko dahilan para matumba ako. Humagalpak ako sa sahig na gawa sa kahoy at tumama ang tungki ng aking ilong doon.

I Accidentally Married A Dead WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon