Chapter 34: The Meet Up

356 9 0
                                    

"Kaello? Gusto kong puntahan si Ced. Baka ano ng nangyari sa kaniya." Sabi ko. Kanina pa ako nagpupumilit pero hindi nila ako pinapayagan.

"Nakita ko naman diba? He's fine." Sabi ni Johndro sabay turo sa screen ng laptop niya.

" Feira! May supresa kami sayo." Rinig kong sabi ni Oscar mula sa labas kaya binuksan naman ni Kaello ang pinto ng sasakyan.

Pagbukas ni Kaello sa pinto ng sasakyan ay agad na bumungad ang mga magulang ko.

Laking gulat din nila ng nakita ako. Bumaba ako sa sasakyan at dahan-dahang lumapit sa kanila.

"Feira?"

"M-Mommy?" Iyak kong sabi.

"Feira? Ikaw ba talaga iyan anak?" Tanong ni Daddy.

Tumango ako at lumapit si Mommy at Daddy sa akin saka nila ako niyakap.

Niyakap ko sila ng mahigpit na umiiyak.

"Feira? Buhay ka, anak? Matagal namin tong ipinagdasal na sana makita ka namin." Sabi ni Mommy.

" Mommy"

" Bakit ang lamig-lamig mo, anak?" Tanong ni Daddy. Kumawala ako sa pagyayakapan namin at pinagmasdan nila ako.

Mabilis ang pagtulo ng luha ko. Pinipilit kong huwag maiyak pero hindi ko kaya. Naiiyak ako sa tuwa dahil sa wakas nakita ko na sila. Naiiyak ako sa lungkot dahil panandalian lang ang lahat ng to.

"Mommy, Daddy. Pa-Patay n-na p-po a-ako." Sabi ko sabay takip sa bibig ko upang mapigilan ang paghikbi.

"A-Anak? A-anong p-pinagsasabi mo?" Tanong ni Mommy.

"Mag-lilimang taon na po akong patay, Mommy, Daddy. Dahil iyon kay Gilbert. Sa mismong kasal namin, sa araw na iyon. Inutusan niya ang driver na ilayo ako. Saka niya ina-nounce sa inyo na kinidnap ako. Pinuntahan niya ako kung saan ako dinala ng driver a-at...pinatay niya ako, Ma. Binaril niya ako at inilibing ako sa gubat. Kasalanan ito ni Gilbert. Niloko niya ako at pati narin kayo. H-Hindi kami totoong kasal sa munisipyo dahil peke lang ang kasal namin. Hangad niya lang ang kayamanan natin, Mommy and Daddy." Pagkasabi ko noon ay napaluhod na umiiyak si Mommy. Nakayuko lang si Daddy na umiiyak.

"How dare he! Kaya pala ayaw niya tayo rito!" Galit na sabi ni Dad.

" Anak? Buti nalang bumalik ka." Sabi ni Mommy.

Lumuhod ako sa harap ni Mommy at niyakap siya.

" Panandalian lang ako rito, Mommy. Ngayon na alam niyo na ang dahilan kung bakit ako namatay at makamit ang hustisya. Aalis rin ako." Sabi ko.

" Anak? Dito ka nalang." Sabi ni Dad.

"Dad... H-Hindi pwede. Patay na ako." Iyak kong sabi sabay tumingala upang makita si Daddy. Pinatayo ko si Mommy. Magkatabi silang nakatayo ni Dad sa harap ko.

"TUMIGIL KAYO!" Sigaw ng kung sino. Tinignan ko kung sino ito. Mga sampung lalaki na nakatutok ng baril sa likod ng mga magulang ko. Lumapit si Dad and Mom sa akin. Lumabas rin si Kaello, Oscar at Johndro na mga mga baril sa kamay.

"Boss? Hindi iyan si Feira ang kasama ni Lance. Nandito siya pati ang mga magulang niya." Sabi ng lalaki na nakamaskara.

" Damn you, Dave! Why are you doing this?" Galit na sabi ni Johndro.

" Stay out of this, cousin?" Sabi niya.

" Why would I?" -Johndro.

" Ibigay mo si Feira sa amin o mamamatay si Lance!" -Dave

" Fuck dude! What are you talking about!" Gigil na sabi ni Oscar.

" We put the poison inside his champagne. Don't worry. Wala iyong sa inyo. Kay Lance lang. He still have 1 hour to live." Sabi ni Dave na tumatawa.

" Feira? Sasama ka o mamamatay ang tanga mong asawa. Kung sasama ka, ibibigay namin ang antidote."-Dave

" Tumigil ka! Huwag mong sasaktan si Ced. Ako ang kailangan mo diba?" Tanong ko.

" Oo naman. Ikaw ang kailangan ni Sir Gilbert. Kung hindi ka sasama. Sisiguraduhin kong matatamaan ang mga magulang mo sa mga baril namin."-Dave

" Gago ka! Pulis ka pa naman!" -Matt

Ayaw kong masaktan sila ng dahil sa akin.

"Anak, huwag kang sasama." -Mom

"Feira!" -Dad.

"Dito lang kayo. Huwag kayong sumunod. I'll be fine " sabi ko at naglalakad papalapit sa kanila.

" Feira, No!!" -Kaello

" Feira! Ano ba! Come back here!"-Johndro.

" Anak ko!"-Mom.

Nakita ko na lumabas si Ced kasama si Ryiana mula sa elevator dito sa parking lot.

"FEIRA! FEIRA! FOR FUCKING SAKE COME BACK HERE!" galit na sigaw ni Ced.

" Ced!" Babalik sana ako ngunit nahawakan na ang magkabilang kamay ko sa mga kasamahan ni Dave.

"Tsk tsk tsk. So ano na? Hindi ko to plano. Dakpin lang sana kayong dalawa eh. Kaso ang galing din ng plano niyo. In order to make sure. I poisoned you, Lance. Why? You want to come?"

" HAYO--" putol na sabi ni Ced dahil bigla lang siya umubo ng dugo. Nandilat ang mata ko sa aking nakikita.

"GILBERT! PAKIUSAP. BIGAY MO ANG ANTIDOTE SA KANIYA AT SASAMA AKO SAYO. PAKI-USAP!!" iyak kong sigaw sa kaniya.

" Tss. Ipasok niyo sa sasakyan si Feira. Dalhin niyo si Lance." Utos ni Gilbert sa mga kasama niya.

" Subukan niyong kumilos, Johndro, Matt, Oscar ang Kaello, mababaril ang mga magulang ni Feira at si Lance." Sabi ni Gilbert at kinuha na si Ced sa mga kasamahan niya.

****

Kinuha na nila si Lance at Feira. Kinaladkad nila ito papasok sasakyan nila.

"Bwesit ka! Nanggigil ako sayo!" -Matt

"Wala ba tayong pwedeng gawin?"-Oscar

" Let's wait for them to be gone. Suot ni Feira ang earrings. Kung saan sila titigil na lugar. Tumawag ka ng pulis Matt." Sabi ko kay  Matt

" Pulis na ako."-Ryiana

" Tss. You're not enough. Tawagan mo ang kasamahan mo na may kidnapping case na nangyayari rito ngayon!"- Kaello

" Oras na ng paghaharap." Sabi ko. 

"Mr and Mrs. Hyun. Ililigtas po namin si Feira at ang asawa niyang si Lance. Dito lang po kayo." Sabi ni Matt.

" May asawa na si Feira? Diba patay na ang anak ko? Paano siya nagka-asawa.?" Tanong ng Mommy ni Feira.

" Mahabang kwento po. Mas mabuti po na si Feira o di kaya si Ced ang magkwento sa inyo." Sabi ni Oscar at tumango-tango lang ang Mommy ni Feira.

"Iligtas niyo anak namin. Paki-usap. Ayaw namin siya mapahamak ulit." Sabi ni Mr. hyun.

" Don't worry. Ililigtas namin sila." Sabi ko.

"Tara, pasok na sa van at sundan natin sila." Sabi ko sa kanila at agad na kaming pumasok sa loob ng van.

" Look at that red dot, Kaello. Just follow it, okay?" Sabi ko kay Kaello at ipinakita ang phone ko sa kaniya.

"Lumabas na sila sa lugar natin. Nasa kabilang Street na sila." Sabi ko.

" Damn! Saan ba nila dadalhin si Feira at Lance!" -Matt

" Tinatakot pa tayo ng gago. Anong akala niya. Porket matanda siya sa atin, utos utosan niya tayo na parang nakababatang kapatid niya." Sabi ni Oscar.

" Ikaw lang bata dito." Sabi ni Matt.

" 18 na ako."-Oscar

" 19 naman kaming apat."-Matt

" Will you both just shut up!" Inis na turan ni Kaello sa dalawa.

" They stopped!" Sabi ko

"Matt, call the police" utos ko kay Matt.

"Okay." Sabi ni Matt at may denial sa phone niya.

" Tatawagan ko rin sila." Sabi ni Ryiana at tumango lang ako.

I Accidentally Married A Dead WomanWhere stories live. Discover now