Chapter 20: He found her.

429 8 0
                                    

FEIRA'S POV

Gabi na at nag-iisa akong naglalakad dito sa kalye habang nilalagpasan ako ng mga sasakyan. Madami din namang mga taong naglalakad ngayon, kasama ang mga mahal nila sa buhay at kaibigan. Napapahid ako sa aking mga luha at huminga ng malalim.

Iniisip ko si Ced. Baka nag-alala na iyon sa akin. Pero kailangan ko talagang gawin 'to. Para naman 'to sa kaniya eh. Ayaw ko na mas lumalim pa kung ano man ang meron sa aming dalawa, dahil sa simula pa lang; hindi ito tama. Hindi kami karapat-dapat dahil patay na ako at buhay siya. Ayoko  na mapalapit pa siya sa akin dahil sa pagdating ng panahon ay aalis na rin ako sa mundong 'to. Kapag nasagot na lahat ng katanungan at mahanap ko na kung ano ang kulang sa akin. Meron pa akong gustong malaman. Lalo na sa pagkamatay ko.

Nakatingala ako sa langit na unti-unti ng dumidilim. Ang mga ibon ay kaniya-kaniyang dumapo sa mga sanga ng mga puno. Ibinalik ko ang aking tingin sa harapan ng may nakita akong tatlong lalaki na nakatayo. Nakasuot ng itim na damit at naninigarilyo ito. Kita rin sa mga braso nila ang kanilang mga tattoo.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad at nilagpasan sila. Sumasabay rin ako sa iba.

Huminto ako sa paglalakad ng nakita ko na pumula na ang traffic light. Tumawid ako sa daan ngunit nagulat nalang ako ng nakita ko si Ced sa kabilang kalye. Bigla akong napatigil at natuod sa aking kinatatayuan.

Nagulat nalang ako na may bumusina sa akin. May isang lalaki na lumabas sa kaniyang kotse at nilapitan ako. Nakakailang kurap na rin ako kung si Ced ba talaga ang nakikita ko. Hindi ko lang pinansin ang lalaki na nakatayo sa gilid ko.

"Miss? Are you okay? You're blocking the way," sabi ng lalaki. Nilingon ko siya at tinignan.

"Pasensya na. Aalis na ako," ngiting sabi ko at humarap ulit kay Ced, ngunit laking gulat ko nalang na nasa harapan ko na siya.

Seryoso ang mukha nito na nakatitig sa lalaki tapos sa akin. Bigla niya lang hinawakan ang braso ko.

"Let's go home," seryoso nito sabi at dahan-dahan akong kinaladkad papunta sa kabilang kalye.

Binitawan na niya ang braso ko saka huminga ng malalim.

"Sa tingin mo ba hindi kita mahahanap? Kahit saan kapa magpunta mahahanap kita!" Tumaas ang kaniyang boses.

"C-Ced," nauutal kong sambit sa kaniyang pangalan.

"YOU DO NOT KNOW HOW CRAZY I AM WHEN I FOUND OUT NA WALA KA NA SA MANSION! I'M FUCKING WORRIED ABOUT YOU!" singhal niya sa akin habang umiigtig ang panga niya at maya-maya ay hinihilot ang noo niya.

"P-paano mo ko nahanap?" utal kong tanong dahil natatakot na ako sa kaniya.

"I have many connections, Feira. And, what is the use of my money if I will not use it to find you. Kahit maubos pa ang pera ko, I don't care as long as mahahanap kita. Pinacheck ko lahat ng cctv ng mansion pati na sa labas ng mansion at sa bawat kalye. And guess what? Nahagip ka," malamig niyang saad.

"K-Kailangan ko ng umalis," sabi ko na nagpipigil ng luha. Hahakbang na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Why are you leaving me?" mahinahon niyang tanong. Napakagat ako sa aking labi bago nagsalita.

"Kailangan Ced," sagot ko na may luhang tumutulo mula sa aking mata. Agad ko naman itong pinahiran at hinarap siya. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.

"Why?!" singhal niya. Kumunot ang kaniyang noo dahil sa inis.

"C-Ced, d-dito rin n-naman t-tayo papunta. Iiwan rin k-kita. H-hindi r-rin naman tayo k-karapat-dapat sa isa't-isa at alam m-mo iyon, Ced. A-ayaw k-ko na lumalim p-pa ang nararamdaman m-mo sa akin. A-ayaw k-kong mapalapit k-ka s-sa akin d-dahil m-mahihirapan lang t-tayo p-pareho eh." Umiiyak na ako. Tila rumaragasang tubig ang aking mga luha na dumadaloy sa aking pisngi.

I Accidentally Married A Dead WomanWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu