Ang Ilaw

1.5K 40 6
                                    

Matagal nang may sakit na insomia si Albert. Ito ang parati niyang problema tuwing sasapit ang gabi. Madami na rin siyang napagkonsultahang doktor at base sa resulta ay hindi na ito malulunasan kaya nireresitahan na lang siya nang sleeping pills.

Ngunit isang gabi noon ay nakalimutan niyang bumili nang sleeping pills sa botika. Nagtiis siyang bumabalikwas sa kaniyang higaan malapit sa bintana. Nang hindi na talaga niya kaya ay iminulat na lamang niya ang mga mata at iginala sa buong kwarto ang kaniyang paningin.

Napako ang kaniyang mga mata sa bintana dahil nakita niya ang dalawang ilaw nang street light na tumatama sa kaniya. Sa hindi malamang dahilan ay unti-unting hinila siya nang antok at nahimbing sa pagtulog.

Kinabukasan, magaan ang pakiramdam niyang gumising nang umagang iyon. Animo'y dinuduyan ang kaniyang katawan at sobrang gaan. Ang ipinagtaka niya lang kung bakit basa nang malagkit at malapot na bagay ang kaniyang tiyan.

Isinawalang bahala na niya lamang ito at hindi inintindi.

Nang sumapit ang dilim ay hindi na siya uminom pa nang sleeping pills sa pag-aakalang makakatulog siya nang mahimbing.

Nang lumapat na ang kaniyang likod sa higaan ay bumalikwas siya at humarap sa bintana. Naroon pa rin ang ilaw ngunit patay-sindi ito.
Hindi niya ito inisip dahil hinila na siya nang mahimbing na tulog.

Kinaumagahan, bumangon siya at nakitang nababalot na naman nang malapot na tubig ang kaniyang tiyan maging ang kaniyang damit ay nakataas na din. Inayos niya ang sarili at dali-daling hinanap ang poste nang ilaw ngunit nagimbal siya nang makitang walang nakatayong poste sa harapan nang bintana niya.

Kumaripas siya nang takbo pabalik sa kwarto niya at sinipat ang bintana.

Nagsitayuan ang balahibo sa kaniyang katawan nang makita ang butas sa dingding nang kaniyang kwarto, malapit sa kaniyang kama.

Sinipat niya ang butas at nakitang basa ito nang malapot na tubig.

Lalo siyang kinabahan nang makita ang bakas nang matutulis na kuko sa gilid nang kaniyang kama. Hindi siya makagalaw sa sobrang takot. Namanhid ang kaniyang mga paa at hindi niya maibuka ang mga bibig.

Biglang nandilim ang kaniyang paningin nang maramdaman ang matulis na kukong bumaon sa kaniyang likuran.

Dumaloy sa sahig ang malansang dugo. Natumba si Albert. Sinapo niya ang kaniyang dibdib na ngayon ay butas na.

Bago siya bawian nang buhay ay naaninag niya ang isang babaeng may mahahabang mga kuko na kung saan ay nakatusok ang kaniyang puso. Nasilaw din siya sa liwanag nang mata nito na animo'y mga ilaw...

~~~~~~~~~~~
Please vote and comment na din po. It would be a great help.

Salamat sa pagbabasa!

©ChimKie

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon