Patay-Sindi

647 16 6
                                    

Nakatayo ako sa pintuan ng aking kwarto at tanaw ko maliwanag na hallway ng bahay. Napabuntung-hininga ako bago pindutin ang switch ng ilaw para mamatay ito.

Ngunit nahagilap ng aking tingin ang pigura ng isang babae. Nakatayo ito at nakaharap sa akin ngunit hindi ko makita ang kaniyang mukha.

"Ano ng!?!?" Gulat kong bulalas.
Dali-dali kong in-on ang switch ng ilaw ngunit nawala ang nasabing pigura. In-off ko naman at ito'y bumalik muli. Inulit ko ito ng inulit. Patay-sindi ang naging ilaw ng buong hallway.

Kapag in-off ko ang ilaw, bumabalik ang babaeng pigura sa dilim. Kapag naka-on naman ay nawawala ito.

Patay-sindi, patay-sindi.

Sa bawat pagdilim ng hallway ay naglalakad papalapit ang pigura. Itinaas nito ang hawak na patalim.I tinigil ko ang pagpindot sa switch dahil sa takot. Iginala ko muli ang aking tingin sa maaliwalas na hallway.

Napangiti ako sabay sirado ng pintuan. Ngunit ng ako'y humarap upang tunguhin ang aking kama ay nabalot ng kadiliman ang buong silid.
Bago pa ako makagalaw sa aking kinatatayuan upang maghanap ng flashlight ay may kaluskos na bumasag sa katahimikan.


-------------
Hey, I'm back!
       Sanay nagustuhan niyo ang unang UD ko sa buwang ito. Nais ko lamang magpasalamat sa lahat ng nag-vote at nag-comment sa istoryang ito. Naging malaking tulong po ang inyong supporta para magpasama sa rank ng Horror ang story ko.
Maraming-maraming salamat po!

ChimKie


GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon