Swap

665 19 7
                                    

"And they lived happily-ever-after the end..." Nakangiti kong sabi bago itiklop ang huling pahina ng libro.

"Matulog kana baby, good night"
sambit ko sabay halik sa noo niya.

"Daddy?" malambing na tugon ng aking anak.

"Yes baby may kailangan ka pa?" Dahan-dahang bumaba na ako sa kama at pinailaw ang lamp shade.

"Daddy, hindi ako makakatulog. May monster po na nakatago sa closet ko."

Nakita ko ang takot sa mga mata niya at niyakap ko muna siya bago inalo.

"Baby, walang monster sa closet mo. Mga clothes at shoes mo lang ang nandun" Pag-aalo ko sa kanya dahil mukhang maiiyak na siya. "Sige ganito, bubuksan ko para malaman nating wala talagang monster, okay?" Tumango lang siya bilang tugon.

Naglakad ako papalapit sa closet at nang nasa harap ko na ito ay hinay-hinay kong pinhit ang seradura nang pintuan nito. Ngunit natulos ako sa aking kinatatayuan nang masilayan ko ang aking anak na umiiyak at yakap-yakap ang favorite teddy bear niya. Tumingin siya sa mga mata ko at nagsalita.

"Da-daddy may–may tao po sa kama ko."

Bago pa ako makalingon ay biglang namatay ang ilaw at naramdaman ko na lang ang isang matulis na bagay na bumaon sa leeg ko.

                      END...

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon