Author's Note

64 7 0
                                    

Hello Yvels! 

Maligayang pagbati dahil nakaabot ka hanggang sa pahinang ito ng aking libro. Hinahanggaan ko ang iyong tapang sa pagsuong sa mundo ng kadiliman. Ngunit ikinalulungkot kong ang iyong paglalakbay ay malapit nang matapos. 'Ang lahat ng bagay ay may hangganan' ika nga nila. 

Naalala ko pa noong sinumulan kong isinulat ang unang pahina ng librong ito, way back in 2017. Wala masyadong nagbabasa at konti lang ang nag-vovote. Nahiya ako kasi baka hindi maganda yung pagkakasulat ko, maraming wrong spelling at minsan ay mali pa ang grammar. Hindi kasi ako magaling magtagalog at sa cellphone pa ako dati nagta-type.

 Balak ko pa sanang i-unpublish yung buong libro kasi minsan nawalan na ako ng gana pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Nagpatuloy ako sa pagsusulat. Isinaiisip ko na lang na balang araw may magkakagusto din sa sinusulat ko. Gustong-gusto ko talaga kasi ang mga nakakatakot na palabas o kwento at gusto ko ding ibahagi sa inyo ang takot na nararamdaman ko. Gusto kong hindi lang ako ang nandidiri, nagigimbal, at nasisindak dapat kayo din.

Sana'y hindi lang Gimbal at Sindak ang hatid ng kwento ito sa inyo. Sana'y kinapulutan niyo din ito ng aral (kung meron man).

Dalawang kabanata na lang ang natitira bago opisyal na mapabilang sa aking Completed Stories ang GIMBAL AT SINDAK. 

Pero hindi ibig sabihin nun na dito na magtatapos ang lahat. Ang katapusan ng isa ay siyang magiging hudyat ng pag-usbong ng kasunod nito. Nawa'y patuloy niyo pang suportahan ang kwentong isusulat ko katulad ng kung paano niyo suportahan ang GAS.

Maraming salamat Yvels. Hinding-hindi ako magsasawang magpasalamat sa inyo.

And again, may the chill and fright be with you.



GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon