Kabanata 1

15.1K 337 27
                                    

Kabanata 1: Sir Brick.

"Hi boys!" Malawak ang ngiting bati ko sa aking mga schoolmates na lalaki. Sabay-sabay silang kumaway pabalik sa akin. Napangisi ako dahil doon, malalandi rin.

Araw ng Biyernes ngayon. Walang masyadong klase dahil weekend na kinabukasan. Dapat nga hindi na ako pumasok ngayon dahil isa lang naman ang subject ko kapag Friday. Pero dahil si Sir Brick ang Professor ko, papasok ako, hindi pwedeng hindi! Kahit buong araw pa siyang magturo sa harap hinding-hindi ako maboboring.

"Excuse me, do you know Sir Brick Montecillo?" Napaangat ang kilay ko sa babaeng nagtanong sa akin. Hindi siya taga dito sa Education department, ngayon ko lamang kasi siya nakita.

"Yes, why?" Mataray na tanong ko. Baka isa rin siya sa mga nagkakandarapa kay Sir Brick.

"Ah, may papapirmahan kasi sana ako sa Daddy niya. Kaya lang, sabi ni Director Montecillo nung nakasalubong ko siya kanina, kay Sir Brick na lang daw, since anak niya naman daw si Sir." Muling napaangat ang aking kilay sa sagot niya. Magpapapirma? Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya.

"Ako na lang magpapapirma, Professor ko naman siya eh. Ano bang pangalan mo, para maisabi ko mamaya sa kaniya at para saan ito?" Shocks! This is the time para makausap ko si Sir Brick! Kung sinusuwerte ka nga naman.

"Louisa Ferrer from student council, yun nga, para ito sa Sport Fest na gaganapin next month. Thank you." Nakangiting sabi niya sa akin bago iniabot ang papel na naglalaman ng letter para kay Sir Brick.

"Okay, dadalhin ko na lang sa office niyo kapag napirmahan niya na." Nakangiting sabi ko sabay alis para pumasok sa subject ni Sir Brick.

Nagtuturo siya ng aming major subject. Dapat siya na lang lagi teacher para ganahan ako sa klase. Kapag kay Sir Taba kasi inaantok at tinatamad ako! Hindi ko nga alam kung bakit may History pa rin kami kay Sir Morales gayong graduating na kami. Dapat more on, major subject na lang at on the job training. Kainis naman!

"Good morning Sir!" Malakas ang boses at malaki ang ngiting bati ko kay Sir Brick pagkapasok na pagkapasok ko sa aming classroom. Shit, he's alone! Masosolo ko siya!

Tamad na tumingin siya sa akin. Binigyan ko siya ng isang napakatamis na ngiti. Napansin ko ang kaniyang pagtiim bagang pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang mga mata sa kaniyang ginagawa.

"You're late." Malamig na sabi niya sa habang nagtitipa siya sa kaniyang laptop na may tatak na mansanas na may kagat sa gilid.

"Eh?" Kunot ang noong napatingin ako sa kaniya. Late?! Ako late?!

"I'm sorry, may inasikaso pa ako sa faculty room." Muntik na akong mapatalon ng marinig ko ang boses ni Sir Indigo sa aking likuran.

"Fuck! Di man lang marunong bumati pabalik!" Mariing bulong ko sabay irap. Napahiya ako dun ah! Akala ko pa naman ako ang sinabihan.

Padabog na naglakad ako sa aking upuan. Kailangan kong kalmahin ang aking sarili dahil baka lalo akong mainis kay Sir Brick. Mahalikan ko pa siya diyan! Nakakasira ng araw ah! Pasalamat siya crush ko siya.

"Ms. Tan, what are you doing here?" Napaangat ang tingin ko kay Sir Indigo. Ano sa tingin niya ang ginagawa ko dito? Naliligo? Malamang mag-aaral ako at maglalandi. Umangat ang isa kong kilay nang makita ko ang pagngisi sa akin ni Sir Indigo. Gwapo rin siya pero mas type ko si Sir Brick. Naku! Mukhang lahat naman yata ng teacher na lalaki dito puro gwapo, except kay Sir Morales. Gurang na yun at mataba, kaya di siya kasama sa sinabi ko.

"Na-cancel ang class niyo ngayon dahil may dadaluhang meeting ang ilang teacher, kasama itong si Brick. Pwede ka nang umuwi." Nakangiting sabi niya sa akin. Nakansela ang klase? Bakit hindi ako na-inform? Napatingin ako ng masama kay Sir Brick. Di man lang niya ako sinabihan pagkapasok ko! Napahiya na nga ako kanina, napahiya pa rin ako ngayon?!

Seducing Mr. Montecillo Where stories live. Discover now