Kabanata 3

13K 270 24
                                    

Kabanata 3: Nagseselos Ka Ba?

"Sinabi niya lahat 'yun?!" Nanlalalaki ang mga matang tanong sa akin ni Elle. I told her everything. Best friend ko siya kaya may karapatan siyang malaman. At isa pa, hindi ko naman kayang isekreto iyon. Sasabihin at sasabihin ko pa rin naman sa kaniya ang mga sinabi ni Sir Brick, masama man o mabuti.

"Oo, ang sakit, tagos sa puso ang mga sinabi niya. Parang mga punyal iyon na tumarak sa dibdib ko. Pero alam mo ba ang nakakainis?! Nawala na parang bula ang galit at sakit na nararamdaman ko sa kaniya. Ano ba ang tawag doon?" Kunot ang noong sabi ko kay Elle. Umikot ang mata niya habang sumisipsip sa milkshake na napapangalahati na niyang inumin. Magkasama kami ngayon sa cafeteria. Walang klase dahil bukas na ang sportfest. Pagkatapos naman ng sportfest ay exam. Huling exam namin, bago kami mag-thesis. And then, ang pinakahihintay ng lahat, graduation. Akalain mo 'yun, makakagraduate ako?!

"Tanga ka." Bigla akong napaubo sa sinabi ni Elle.

"Aray naman, diretsahan talaga?" Sabi kong nakalapat ang kamay sa dibdib na parang nasaktan talaga. 

"Totoo naman. Ang sasakit nung mga sinabi niya sayo, tapos ikaw nakuha mo pang ngumiti dahil lang sa inihatid ka sa bahay niyo. Cass, I'm just telling you the truth. Professor siya, mas importante sa kaniya ang kaniyang propesiyon kaysa sa mga bagay na patungkol sa pag-ibig." Pangaral na naman sa akin ni Elle. Kailan ba siya magsasawa sa kakapangaral sa akin? Dahil gaya nga ng sabi ko, hindi naman ako nakikinig.

"And what if may girlfriend na pala si Sir Brick? At 'yung pagkakakita niyo sa bar ay dahil lamang sa napadaan siya at naalala niyang may usapan kayo? Cassidy, gaya ng paulit-ulit kong sinasabi sa iyo. Masasaktan ka lang kapag umasa ka ng umasa." Nakakainis naman itong si Elle. Bakit ba hindi na lamang niya ako suportahan?

"Hi girls! Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo ah." Bigla kaming napatingin ni Elle sa bagong dating na si Sir Indigo. Abot hanggang tenga ang kaniyang ngiti habang papaupo siya sa katabing upuan ni Elle. Ayaw ko mang mag-isip ng ibang bagay, pero bakit parang may makapal na pader sa pagitan nilang dalawa kahit na magkatabi sila?

"Ahm, may bibil--."

"Hey Brick! Dito ka na, may bakante pa sa tabi ni Cassidy." What?! Ano bang ginagawa nitong si Sir Indigo?!

"Ah ano, may bibilhin pa nga pala ako." Mabilis kong sabi sabay tayo. Aalis na sana ako nang makita ko ang pagtutol ni Elle. Bakit? May problema ba?

"Can I come with you?" Nakangiwing tanong sa akin ni Elle. Ano bang problema niya?

"Bakit? Ayaw mo bang maiwan rito kasama ako?" Nalipat ang aking tingin kay Sir Indigo na ngayon ay nakaigting ang mga panga habang nakatingin sa platong nasa kaniyang harapan. Sandali, may problema ba silang dalawa? May nangyayari o nangyari bang hindi ko alam? Napansin ko ang pag-upo ng tuwid ni Sir Brick. Sumandal siya sa upuan at ngumiti na parang nanunuod ng pelikula.

"You already know the answer." Malamig na sagot ni Elle. Okay, there's something wrong with this two. Bakit walang sinasabi sa akin si Elle?!

"It's been three years since--."

"Since you left me. Sa tingin mo madali lang sa aking patawarin ka Sir Indigo?" Napaanggat ang kilay ko dahil sa pinag-uusapan nila.

"Sir? You used to call me--."

"Babe? I realized na nakakadiri pala." Nanlaki ng mga mata ko sa sinabi ni Elle. Wait! Naguguluhan na ako! Hindi ko masabayan ang pinag-uusapan nila! At teka, hindi ba sinabi sa akin ni Elle na against the law kapag nakaroon ng relationship sa aming Professor?!

"Dammit! You've really changed a lot. Where's the sweet Elle that I used to play when we were in--."

"I need to go. Nakakaasiwa ang makasama ka rito. Baka may ibang makarinig sa walang kwenta nating usapan." Sabi ni Elle bago siya tumayo at umalis. Susunod na sana ako para may makasama siya dahil hindi nakaligtas sa akin ang pagtulo ng kaniyang mga luha pagkatalikod niya. Pero nagulat na lang ako nang may pumigil sa aking braso. Kaagad akong napatingin kay Sir Brick na ngayon ay nakaigting rin ang mga panga. Naiinis ako! Naiinis ako dahil hindi ako makasakay sa mga nangyayari. Pero mas naiinis ako kay Sir Indigo! Wala siyang karapatang paiyakin ang kaibigan ko!

Seducing Mr. Montecillo Where stories live. Discover now