Kabanata 2

13.4K 284 18
                                    

Kabanata 2: Concerned Or Not?

"Cass, una na ako ah, maaga pa ang alis ni Kuya bukas kailangan ko siyang ihatid." Paalam sa akin ni Mira, kasama kong nagpapart-time-job sa isang Bar. Hindi naman malayo itong pinagtatrabahuhan ko sa aming bahay. Sa katunayan nga ay pwede lamang lakarin, iyon ay kung masipag ka at nagtitipid. Pero kung katulad mo akong maarte at mainipin, sumakay ka na lang ng traysikel.

"Sige, ingat ka!" Nakangiting sabi ko sabay kaway nang makalabas na si Mira. Ako na lang mag-isa ang natira sa kuwartong inuukopa ko. Ganito naman palagi kapag Saturday and Sunday. Ako ang nakatoka sa dalawang araw na iyon. Hindi naman kalakihan ang nakukuha ko sa pagtatrabaho ko rito, tama lamang sa panggastos namin nila Mama. Ang nakakatuwa sa trabaho kong ito, libre ang mga ginagamit ko. Make ups, outfits at marami pang iba. At isa pa, maraming pumupuntang gwapo, kaya nabubusog ang mga mata ko.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ako lumabas ng kuwarto. Dahil nga sa isa itong Bar at halos kilala na rin ako ng mga tao, ay hindi maiwasang makausap ko ang iba saglit. Nang matapos sa pakikipagkumustahan ay tumungo ako sa counter. Kita ko ang aking repleksiyon sa malaking salamin sa gilid. Napapangiting pinagmasdan ko ang aking sarili. Umaangat ang gandang taglay ko dahil sa suot kong damit. Ang aking buhok na hinayaan ko sa isang messy bun. Ang aking mukhang, simple lamang ang make up.

"Hey gorgeous." Napalingon ako sa lalaking tumayo sa aking tabi. He's wearing a playful smile. A certified playboy, I guess.

"I'm sorry, I'm not interes--hey! Did you just touched me?!" Taas ang kilay na sabi ko. Oo malandi ako, pero never akong magpapahawak ng aking pang-upo sa kahit sinong lalaki!

"Why? That's your job here. I have the ri--fuck!" Sabi niya habang hawak ang pisngi niyang sinampal ko ng ubod lakas.

"I work here as a singer, not a prostitute you pervert!" Nangangalaiting sigaw ko bago ako umalis sa aking pwesto. Gago yun ah! Gawin ba akong pokpok!

I looked at my watch, it's already six-thirty in the evening. May ilang oras pa ako para magperform at pagkatapos ay mag-ayos ng sarili para sa lakad namin ni John.

"Hi!" Bati sa akin ng lalaking nadaanan ko. He doesn't look pervert, pero umiwas na rin ako. Baka mamaya katulad pala iyon nung lalaki kanina sa counter. Parang nakakatakot na tuloy lumandi.

Tama! Para iwas bastos, si Sir Brick na lang lalandiin ko. He's a Professor, sa tingin ko naman mabuti siyang tao. At saka, kung tsa-tsansingan man niya ako, okay lang, crush ko naman siya eh.

"Cassidy! Magready ka na raw sabi ni Manager. In five minutes mag-uumpisa ka na." Sabi sa akin ni Kuya Jake, ang isa mga bartenders ng Bar na pinagtatrabahuhan ko. Actually ang Bar na ito ay hindi bahay ng mga prostitute. Malinis ang record ng Bar namin. For fun lang talaga, para sa mga taong gusto magparty o magpalipas oras. Hindi nag-o-offer ng babae ang Bar namin. Kaya yung bastos na lalaking iyon kanina, malamang baguhan iyon! Naku, kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, baka nabugbog ko na iyon!

"Cass, are you ready?" Tanong sa akin ng aming manager na si Kuya Ken. He's handsome, pero mas gwapo pa rin si Sir Brick.

"Always Kuya Ken." Nakangiting sabi ko sabay sukbit ng gitara at naglakad papunta sa stage.

Hindi pa man ako nag-uumpisa ay bigla nang nagpalakpakan ang mga tao. Nakangiting inilibot ko ang aking paningin. Napatigil ako saglit, parang nakita ko siya? Nah! Hindi naman niya alam kung saan ako nagtatrabaho. Kaya imposible iyong sinabi niyang pupuntahan niya ako rito para pirmahan ang dapat niyang pirmahan.

"Good evening everyone, so, I have the lists of most requested songs here. Lahat puro new songs. So I'm going to start with Perfect by Ed Sheeran." Nakangiting sabi ko sabay kalabit sa gitarang nakasabit sa aking balikat. Everyone started to sway when they heard my voice. I can feel someone is watching me. Pero hindi ko na lamang pinansin at ipinagpatuloy na lamang ang pagkanta hanggang sa matapos ang nasa huling lista.

Seducing Mr. Montecillo Where stories live. Discover now