Kabanata 4

12.5K 288 26
                                    

Kabanata 4: Lahat Iyon!

Umuulan, ang lakas ng ulan. May bagyo yatang darating.

"Anak, hindi ka ba papasok? Hindi ba't may activity kayo sa school?" Tanong sa akin ni Mama.

"Hindi Ma, wala naman akong gagawin roon. Saka, umuulan, nakakawalang gana manuod." Sagot ko, pero hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit hindi ako papasok. Nalaman ko kasi sa nurse na tumingin sa paa ko kahapon na aalis si Sir Brick. Kasama raw ito ng Daddy nito sa isang business meeting.

"Ganoon ba. Kumusta na iyang paa mo?" Tanong pa sa akin ni Mama. Sasagot na sana ako nang muling sumagi sa aking isipan ang mga sinabi ni Sir Brick. Bigla akong kinilabutan. Pero ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi.

"Masakit pa ba?" Tanong pa sa akin ni Mama. Tumango na lamang ako bilang sagot bago ako tumayo at paika-ikang naglakad papunta sa aking kuwarto.

Kunot ang noong tumingin ako sa malaking salamin sa aking kuwarto. Simpleng damit lamang ang suot ko ngayon. Hindi katulad nung mga damit na sinusuot ko kapag pumapasok ako. Mukha ba talaga akong pakawalang babae kapag ganoon ang suot ko? Bakit ba laging pinupuna ni Sir Brick ang aking damit? Sumasabay lang naman ako sa kung ano ang uso.

Bigla akong napatingin sa aking cellphone na kasalukuyang tumutunog. Tumatawag si Elle.

"Hello?" Tanong ko nang sagutin ko ang kaniyang tawag.

"Hindi ka ba pupunta rito sa school? Kanina pa kita hinahanap." Sabi ni Elle mula sa kabilang linya.

"Hindi, masakit pa kasi ang paa ko." Sagot ko sabay higa sa aking kama.

"Masakit ba talaga? Baka naman nalaman mong wala rito si Sir Brick kaya hindi ka papasok." Sabi ni Elle na sa tingin ko ay magkasalubong ang mga kilay sa mga oras na ito. Isang mahinang pagtawa ang aking pinakawalan.

"Cass--."

"I'm in love." Putol ko sa sasabihin sana ni Elle.

"I know, kaya nga lagi kitang pinapaalalahanan." Napangisi ako sa kaniyang sinabi.

"Cassidy, mahirap iyang sitwasyon mo. Masasaktan ka lang." Bumangon ako nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Napatitig ako sa labas ng bintana nang muling lumakas ang buhos ng ulan.

"Anong gagawin ko? Nandito na, nararamdaman ko na. Hindi ko naman ito basta mapipigilan." Mababa ang boses na sabi ko habang naglalakad para isarado ang bintana ng aking kuwarto. Pumapasok kasi ang tubig ulan.

"Maghanap ka ng iba. Maraming lalaki sa mundo." Marami nga, pero mahal ko ba? Si Sir Brick lang ang mahal ko.

"Elle, alam kong maraming lalaki na pwede kong mahalin. Pero iba si Sir Brick." Malumanay ang boses na sabi ko.

"Paanong iba? He insulted you. Hinusgahan niya ang pagkatao mo tapos sasabihin mo, mahal mo siya? Baliw ka na." Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Baliw na nga siguro ako. Baliw kay Sir Brick.

Tumagal nang ilang minuto ang pag-uusap namin ni Elle bago siya nagpaalam na may gagawin pa sa school. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Hindi maririndi ang aking taenga sa kakapangaral niya.

Muli akong nahiga sa aking kama at pinagmasdan ang puting kisame ng aking kuwarto. Am I really in love? Bigla akong napahawak sa aking dibdib nang kumabog iyon ng mabilis. Mahal ko nga siya.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Hindi ako gusto ni Sir Brick pero nagawa niyang sabihin sa akin ang mga iyon?

Sleep with me.

Shit! He's impossible! Bakit kailangang sabihin niya pa iyon? Ganoon na ba talaga kababa ang tingin niya sa akin?! Ano bang gusto niyang gawin ko para maging pareho ang nararamdaman namin?

Seducing Mr. Montecillo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon