Chapter 31 "Unexpected"

453K 12.2K 3.1K
                                    

a/n:Busy na ako ngayon pero gusto kong mag-update.Dedicated po kay ilove_snsdyoona.:)

Saisumi's POV

"S-h-e-o-l."

Pagsasabi ko sa bawat letra ng pangalan nya habang tinatype ito.Bumukas ang file at napatayo ako sa gulat ng makita ko ang laman nun.

Puro mga stolen pictures ko to ha!

What the hell?!Meron dito ng pictures ko nung unang araw ko dito sa Pinas hanggang sa huling pasok ko sa school!

I-ibig sabihin,may nagmamasid sakin ng hindi ko man lang nalalaman?!

Naputol ang pagtatanong ko sa isip ko nung may mapansin akong isa pang folder.

Six Rings.

Yun ang nakalagay.

Agad kong kinlick yun.Lumabas ang limang picture na may kanya-kanyang pangalan pero hindi lang basta mga picture ang mga ito.Sa limang picture na to,iba't-ibang bahagi lang ng katawan ang makikita.May isang bagay pa akong napansin.

Pare-parehas silang may tattoo.

Tattoo na parang isang pares ng pakpak na kulay itim.

Tinignan kong mabuti ang isang litrato na may pangalan sa ibaba na 'Hunter'.

Sa pagtitig ko doon,nalaman kong sa kanang pulso iyon.Ibig sabihin,si 'Hunter' ng Six Rings ay may tattoo sa kanang pulso.

Sunod ko namang tinignan ang isa pang picture na may pangalan na 'Lady'.

Tanging katawan nya lang ang nasa picture.Nakabukas ang dalawang butones ng suot nya kaya medyo kita ang cleavage nya.Doon ko rin nakita ang tattoo nya.Ang 'Lady' ng Six Rings ay may tattoo sa bandang itaas ng dibdib?Really?Pano ko naman makikita yun?Tsk.

Yung picture naman na may pangalang 'Cross' ang tinignan ko.Katawan lang din ang nasa picture at nakataas ang damit nito sa kaliwang bahagi ng katawan nya.

Sa tagiliran.

Nasa kaliwang tagiliran pala ang tattoo nya huh?Pahirapan naman pala to sa paghahanap ng tattoo.Isipin mo pang lalaki tong 'Cross' na to.Baka mapagkamalan pa akong manyak.-_______-

Sunod kong itinuon ang pansin ko sa isa pang picture.Picture ni 'Halo'.Nakatalikod sya sa camera at hawak nya paitaas ang buhok nya.Nasa batok nya ang tattoo.

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now