Chapter 32 "Same Roof"

508K 11.9K 7.6K
  • Dedicated to Alyza Gladys Capili
                                    

a/n:Aish.Pasensya na,natagalan ako masyado.Dedicated to Alyza Gladys Capili.My cousin.:)

Saisumi's POV

"Namiss kita,Sumi."

Pakiramdam ko,tumigil ang pagtibok ng puso ko sa narinig ko.

Tinanggal nya ang pagkakatakip ng kamay nya sa mata ko.

Sinubukan kong wag ng lumingon at tumakbo na lang palabas ng room pero hindi ko magawa.Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.

"*pout*Wag na wag mong itatanong kung sino ako kung hindi,tatalon talaga ako mula sa rooftop."

"K-khai....."

"Miss you too,Sumi!*wide smile*"

"Waaahhh...Bakit ganyan si president sa kanya?"

"Grabe.....biglang naging childish si Skhai."

"Ang gwapo nya talaga!Ihhhh!*giggle*"

"K-khai,a-anong ginagawa mo dito?"

Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Sh*t!Si Khai ba talaga to?!

"Huh?Anong ginagawa ko dito?Ahm...dito ako lumipat simula nung.....simula nung.....*pabulong*iniwan mo ako...."

Hindi ko narinig yung huling sinabi nya pero nakita kong bigla syang sumimangot.

Bakit ganon....?

Bakit hindi ko ramdam si Khai....?

Bakit parang ibang presensya ang nararamdaman ko.....?

Kinurot ko ang dalawang pisngi nya at tinignan ng mabuti ang mukha nya.

Naninigurado lang ako dahil baka ibang tao to pero wala akong makita na kahit anong kahina-hinala.

"S-sumi?Anong ginagawa mo?"

"I-ikaw nga....i-i-ikaw nga si Khai..."

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now