Chapter 36 "Club Members"

368K 10.4K 474
                                    


a/n:Maikli lang pero sana maenjoy nyo.

Saisumi's POV



*KRIIIIIIIIIINNNNNNNGGGGGG!!!!!*



Agad kong kinuha ang bag ko at naglakad palabas ng room.Kanina ko pa gustong lumabas sa lintik na room na to dahil walang humpay ang mga kaklase ko sa kakatingin sakin.

Isa pa,kailangan ko ng simulan ang paghahanap sa mga target ko.


Paglabas ko ng pintuan,nagulat ako nung may nagtiliang mga babae.


"KYAAAAHHHHH!!!!Ang ganda mo talaga,Saisumi!"



"Saisumi!Pwede mo ba akong maging kaibigan,sige na!"



"Papicture naman,ate!"



Hanggang dito ba naman?!

Hinigpitan ko ang hawak sa strap ng backpack ko.Isa lang ang paraan para matakasan ko ang mga to.

Dito ko magagamit ang galing ko sa pagtakbo.

Huminga ako ng malalim tsaka ako mabilis na tumakbo.Rinig na rinig ko kung paano sila sabay-sabay na hinabol ako habang nagtitilian.

Heck!Ano bang gusto sakin ng mga babaeng to?!Kung totoo ngang maganda---ah hindi,sobrang ganda nga ng tingin nila sakin,di ba dapat nai-insecure sila?!Eh bakit parang mga fangirls ang dating nila?!

May sira ba sa ulo lahat ng nandito sa Epseyeon?!



"Saisumi!Wag mo naman kaming takbuhan!"



"Kahit isang picture lang!"



"Ang cute mo talaga,Saisumi!"



Liliko sana ako pababa ng hagdan pero malayo pa lang ako sa hagdanan,may mga naririnig na akong mga nag-uusap.

"Dito talaga sya nakaroom?"

"Oo nga.Sabi nung friend ko,kaklase nya daw si Hime Saisumi."

"Ihhhh.....alam mo kinikilig ako sa kanila ni Skhai."

"Tingin mo pare,ibibigay nya yung number nya."

"Kung ako sayo bro,wag ka ng umasa."

Letchugas!Yung totoo?!Pangalawang araw ko pa lang ngayon papasok pero kilala na kagad nila akong lahat?!

At take note!Hindi lang tatlo o apat na boses ang naririnig ko sa hagdan!

MADAMI SILA!

San ako dadaan?!Hindi na ako pwedeng bumalik dahil madami din ang nasa likod ko at hinahabol ako.


No choice na talaga ako.Isa na lang ang daanan.


Tuloy-tuloy ako sa pagtakbo.Wala na akong ibang pwedeng gawin kundi ang tumalon sa bintana na nasa dulo ng hallway.

Bahala na!

Mabilis ang pagtakbo ko hanggang sa malagpasan ko ang hagdanan at matunton ko ang bintana.

Bago pa ako maabutan ng mga taong may problema yata sa utak,mabilis kong itinungtong ang kanang paa ko sa bintana.Dinala ko lahat ng pwersa ko sa kanang paa ko para maitulak ako nito palabas ng bintana.


"KYAAAHHHH!!!SAISUMIIII!!!!"

"NAGSUICIDE SYA!!!"

"HALA!!!LAGOT TAYO KAY SKAI!!!"


Napatingin ako sa babagsakan ko.

Sakto namang walang tao sa baba pero napasinghap ako nung biglang.....


"TABI!"


Sigaw ko sa babae---ah mali!Nerd pala!

Pucha!San galing ang nerd na to at bigla na lang sumulpot sa baba?!

Mababagsakan ko sya!

"Waaaahhhh!!!!"

Malakas na sigaw nya.Lintik na babae to!Inuna nya pa ang pagsigaw kesa sa pag-ilag?!

Nung konti na lang at mababagsakan ko na sya,biglang may humila sa kanya pagilid kaya nakalapag ako sa simentadong daanan ng matiwasay at walang nababagsakang nerd.

Napahinga pa ako ng malalim.Hindi ako makapaniwala na muntik na akong makapatay ng nerd.

"Pwede ka ng dumilat.Hindi ka tinamaan."

Rinig kong sabi ng isang boses ng lalaki dun sa nerd kaya napalingon ako sa kanila.

Oh.Sya yung vice president ng Council ha.Clarence Yuzo pangalan nya,di ba?Sya pala yung humila sa nerd kanina.Ang galing nyang tumayming.

"Saisumi,ipinagbabawal ni Skhai ang pagtalon sa mga bintana."

"*shrug*Maiiwasan ko ang pagtalon sa bintana kung titigilan nila ako."

Sabi ko tsaka ko itinuro yung mga baliw sa taas.Brrr.....kinikilabutan ako.

"Ang dami mo kagad fans ha.Oh sya,alis na ako.Hinahanap ka nga pala ni Skhai,kahapon pa."

Naglakad na sya paalis pero huminto din sya at lumingon sa nerd na ngayon ko lang ulit napansin.

"Mag-ingat ka na sa susunod,Lisa."

Pagkasabi nya nun,tuluyan na syang umalis.

Ako?Kailangan ko na ring umalis.Mahirap na at baka maisipan pa ng mga studyanteng maluluwag ang turnilyo na bumaba dito at pagkaguluhan na naman ako.

Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko sa balikat ko tsaka ako naglakad paalis.

Saan kaya ako makakakita ng member ng Six Rings?Hinala ko rin na isa sa mga myembro nila ang nagmamay-ari ng kakaibang mata gaya ko.

"A-ah S-saisumi,di ba?"

Napalingon ako.Okay......wag nyong sabihing isa ang nerd na to sa mga wild na studyante sa taas?

"Bakit?"

"A-ahm.....p-pinapunta ako dito ng c-coach namin sa a-archery p-para alukin kang s-sumali samin."

"Ikaw?Aalukin mo akong sumali sa club nyo?Ni hindi ka nga makapagsalita ng maayos."

Bored na sabi ko sa kanya.Bakit kabadong-kabado sya?Di ba dapat ako ang kinakabahan?Baka hindi na ako makauwi ng buo ang katawan ko kung palagi akong pagkakaguluhan ng mga studyante dito.Tsk.

"P-pa*ehem**deep sigh*Pasensya na.Ayos lang ba kung aayain kitang sumali sa Archery Club ng Epseyeon High?"

Wow.Parang bigla syang naging ibang tao.Ang bilis nyang magpalit ng katauhan.May split personality ba tong isang to?Ghad.Nakakatakot na talaga ang mga tao dito.

"Hindi ako interesado."

Tinalikuran ko na ulit sya at nagsimula na ulit akong maglakad pero hinabol nya ako at hinarangan ang dadaanan ko.

"Pero sabi ni coach,wag daw akong babalik ng hindi ka kasama!"

"Edi wag ka ng bumalik."

"Oh ghad.Please.Pagbigyan mo na ako."

"Sino ka ba para pagbigyan ko?Ni hindi nga kita kilala."

Nilagpasan ko sya pero sa inis ko,muli nyang hinarangan ang dadaanan ko.

"Melisa Evans.17 years old.4th year student.Nakatira isang kilometro ang layo dito,sa tapat ng tindahan ni Aling Hipolita.Ayaw ni aling Hipolita na tinatawag sya sa pangalan nya kasi daw parang tunog *pabulong* 'hipong linta'.Hihihihi.....*ehem*Nagsimula ang angkan ng pamilya ko sa-----"

"Tama na."

"Pero kilala mo na ba ako?!"

"Sa dami ng sinabi mo,malamang.Tss."

"Edi pagbibigyan mo na ako?!"

"Ayoko."

"Eh?!"

Naglakad na ulit ako pero sa pagkakataong to,binilisan ko na.

Sinasayang ko lang ang oras ko sa isang walang kwentang usapan.

"Sandali lang!"

"Tigilan mo na ako."

"Papayag ka ba kung makikipagkasundo ako sayo?!"

Sa sinabi nyang yun,napahinto ako at napalingon sa kanya.

"Sasali ka ba kung papayag akong maging utusan mo?!"

Napangiti ako ng nakakaloko sa kanya.Really?Sa ganyang paraan sya makikipagtransaksyon sakin?

"Hindi ko kailangan ng utusan."

Nag-isip sya saglit.Maya-maya,lumiwanag ang mukha nya at nginitian ako ng malapad.

"Kung sasali ka samin,sisiguraduhin kong hindi makakalapit ang mga 'fans' mo sayo."

Napaisip ako bigla.Pwede....pero.....

"Ayoko."

"Ha?!Ano ba kasing gusto mo?!"

"Wala.Abala lang sakin yan."

Ngayon,seryoso na talaga.Aalis na ako.

Tinalikuran ko na sya pero bago pa ako makahakbang,may isang lalaking tumatakbo ang dumaan sa gilid ko.

Sa hindi ko malaman na dahilan,napahinto ako at bigla akong kinabahan.Nakaramdam ako ng matinding panganib at......takot.

"Lisa!Hinahanap ka na ni coach!Pumunta ka na sa field ha!"

"P-pero----Aish!Sige,salamat!"

Muling tumakbo paalis yung lalaki.Sinundan ko lang sya ng tingin.Anong meron sa kanya?Sobrang kakaiba ng aura na meron sya.

"Sino yun?"-Ako

"Si Gray Allison.Member ng Archery Club."

Member sya ng Archery Club?

"Melisa."

"O-oh bakit?"





"Sasali ako."

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now