Chapter 41 "Purple vs. Purple"

303K 9.4K 1.3K
                                    

Nicka's POV

"S-si Sai.....?"

Napatingin ako sa ibaba.Si Sai?Bakit sya?Bakit kailangan ko syang kamuhian?

"Oo.Sya nga.Si Saisumi Morales.Ang walang kwenta mong bestfriend."

"Hindi totoo yan!"

Matapang na sigaw ko sa kanya kasabay ng pag-angat ng ulo ko.Kinilabutan ako  nung maramdaman kong parang ngumisi sya.

"Sinabi nya ba sayo ang tunay na pangalan nya?"

Naguluhan ako.Anong ibig nyang sabihin?Saisumi Morales.Hindi ba't yun naman ang pangalan ni Sai?

"Hime Saisumi Almante.Yun ang tunay nyang pangalan.Hindi mo alam?Nakakaawa ka naman."

 Tulala ko syang tinignan.Nababaliw na aba ang babaeng to?Kung ano-anong sinasabi nya tsaka ano daw?Almante?Imposible.Imposibleng maging isang Almante si Sai.

"At alam mo ba....?'

Napaatras ako ng kaunti ng ilapit nya ang muka nya sakin.

"May isang sikreto pa sya na ayaw nyang ipagkatiwala sayo."

Lumulutang na sa kawalan ang utak ko.Ang dami nyang sinasabi na hindi ko maintindihan.Para syang nagbibigay ng mga math problems na kahit ang pinakakilalang math wizard sa mundo ay hindi kayang sagutan.

Someone's POV

Nalilito na sya.Halatang-halata naman sa mukha nya.Yan ang gusto ko.Ang sirain muna sila mentally bago ko sila patayin physically.

 Get her.

Yan ang misyon ko pero dahil matigas ang ulo nya at mahirap syang kausap,diretso na ako sa sarili kong PLAN B.

Kill her.

Dapat nga.magpasalamat pa sya sakin dahil hindi na nya kailangang makulong sa isang isang silid kasama ang mga daga ng ilang linggo.

 Kinuha ko ang espesyal na baril na nakalagay sa may hita ko.Ang baril na to ang kumuha sa buhay ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko kaya ito din ang gagamitin ko para kunin ang buhay ng pinakamamahal mong kaibigan,Saisumi.

 Itinutok ko ito sa noo ng babaeng patuloy lang sa pag-iyak.

"Wag kang mag-alala.Saglit lang to.Pagkatapos......wala ka ng mararamdaman."

 Ikinasa ko ang baril at muli itong itinutok sa kanya.Handa ko ng kalabitin ang gatilyo ng muli na namang tumunog ang cellphone ko.

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now