3 - Chase The Sun

4.4K 189 132
                                    

PART 1 - BITS AND PIECES

I posted an article about Beard on RROFG but was not approved. I am now sharing it here for the information of my followers who are willing to learn and understand the below terminologies and the psychology involve within these terminologies.

I am writing it here not specifically for RaStro. This may also be applicable for them. But I am writing it here in general. Pwedeng para sa iyo na nagbabasa nito, para sa kaibigan mo, o para sa kakilala mo.

Now, let's start...

May pagkakataon na kailangang itago ang tunay na sexuality ng isang tao. Ang layunin nito ay para pangalagaan ang kanilang sarili sa panghuhusga ng lipunan. Kung minsan ay para pangalagaan ang sarili sa galit ng kapamilya. Kung minsan naman ay para pangalagaan ang sariling trabaho o career. At marami pang iba...

Anu-ano ang paraang ginagawa nila para maitago ang tunay na sexuality? Ang ilan sa kanila ay gumagamit ng cover-up. Beard. Covergirl. At marami pang iba.


WHAT IS A BEARD?

Isa sa napansin ko na karamihan sa members ng RRO freedom group ay mga bata pa. Medyo hilaw pa sa kaalaman kung ano ba talaga ang tunay nangyayari sa likod ng entablado. Hindi ko sinasabing paniwalaan n'yo ako, pero sana ay pag-aralan ninyong mabuti kung ano ang iba pang possibilities. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon kayo ng comparison kung ano ba talaga ang dapat ninyong paniwalaan. Baka kasi ang tinitingnan lang natin ay isang anggulo dahil inilalagay natin sa pedestal ang ating paboritong artista at pinaniniwalaan natin na sila ay walang bahid ng kahinaan.

Pag-aralan natin kung ano ba ang tinatawag na "beard" sa LGBT culture.

Sabi sa Wikipedia:


Beard
is a term describing a person who is used, knowingly or unknowingly, as a , romantic partner (boyfriend or girlfriend) to conceal one's identity . The American slang term originally referred to anyone who acted on behalf of another, in any transaction, to conceal a person's true identity. References to beards are seen in mainstream television and films, and other entertainment.

Naalala ko tuloy ang kwento ng kaibigan ko na dating nagtatrabaho sa isang malaking TV network ng bansa. Marami raw sa mga artista nila ang may "beard". Kailangan kasing itago ang tunay na pagkatao para mapangalagaan ang kanilang career.

May mga artista raw sila na sa press release ay magkarelasyon. Mag boyfriend-girlfriend. They go on date for publicity. Kung big star pa nga, the network finance for the trip out of the country for the sake of protecting the image of their artist. May mga photos na inilalabas sila sa social media para mas kapanipaniwala. Gano'n ang kalakaran sa industry. Kung mataas ang marketability ng isang artista, ginagastusan sila ng mother network. Unless, the artist is willing to come-out to reveal his/her own identity.

Ang "beard" ng mga artistang tinutukoy ko ay ang mga actor na pinaniniwalaan ng public na boyfriend nila.

Mahirap sa isang artistang babae kung isa siya sa LGBT. Lalo na at leading lady material pa siya. She will be judged and mocked. Mababawasan ang kanyang marketability. At iyon ang iniiwasan nila.

May nabalitaan ako na isang magaling na drama actress sa kabilang network na nagkaroon ng karelasyon na babae. Sang ayon sa mga balita, totoong minahal ito ng actress. Subalit sa kasamaang palad, ang karelasyong ito ng actress ay sumakabilang buhay. Ito ay labis na ikinalungkot ng nasabing actress na nagdulot sa kanya ng matinding depression. Naging inactive ito sa showbiz ng mga panahong iyon. Mabuti na lamang at nakabangon na siya ngayon buhat sa kalungkutang iyon... Ang magaling na actress na ito ay pinapaniwalaang isang bisexual.

SoulmatesWhere stories live. Discover now