15 - I Love You

2.6K 146 32
                                    

Dahil recently ay nagparamdam ang RaStro sa atin, nais ko lang balikan ang isang bahagi ng Chapter 6 ng Soulmates. Ito ay ang iamClaire video ni Glaiza tungkol sa limang tao na “close” sa kanya. Ang link ng video ay makikita sa itaas.

I AM CLAIRE WITH GLAIZA DE CASTRO

Kinilig tayong lahat sa I Am Claire video ni Glaiza. Sino ba naman ang hindi kikiligin? Pero baka mas lalo kayong gumulong sa tuwa sa mga observations ko, Lol!

Isa-isahin natin ang nilalaman ng video.

Sa umpisa pa lang ay makikita na ang ganito:

Glaiza is asked about five people close to her - how they met and her unforgettable moments with them. She will then sing songs dedicated to them.

Bibigyan ko lang ng emphasis: FIVE PEOPLE CLOSE TO HER.

Kapag ginamit ang salitang "close to her", ibig sabihin ay malapit ito sa kanyang puso. At kasama sa malapit sa kanyang puso si Rhian... (kilig ako!).

Una niyang binanggit ang pangalan ni Angelica Panganiban. Best friend niya si Angel sa napakahaba nang panahon. Naging magkaibigan sila noong siya ay talent pa lamang ng ABS CBN. Bilang kaibigan ay makikita ang pagmamalasakit, pagmamahal, pagpapahalaga, at paggalang nila sa isa't isa. Hindi kataka-taka na si Angel ang number 1 sa listahan niya.

Ang sumunod na binanggit niya ay si Gabby Eigenmann. Sumunod ay si Chynna Ortaleza at pang-apat ay si Jason Abalos.

Sa dami ng mga kaibigan niya, bakit si Jason Abalos ang isinama niya sa listahan. Bakit hindi si Ketchup Eusebio? Bakit hindi si Pocholo Barreto? Pwede rin namang si Quark? O si Kring? Si Alex de Rossi? May gusto bang  i-imply si Glaiza rito? Well, sa tingin ko, gusto lang niyang i-imply na wala siyang insecurity kay Jason. Alam natin kung gaano kalakas ang suporta na nakukuha ng ZoEl sa viewers. And yes, guys! That's the fact. Mas maraming ZoEl fans kaysa sa RaStro fans. But for G, Jason Abalos is not a threat because he is a friend. May bagong ka-loveteam man si Rhian, alam niyang safe ito kay Jason Abalos.

Ang panglima sa kanyang listahan ay si Rhian. Ang tanong, panglima ba si Rhian sa kanya in terms of importance?

Bilang artista, alam ni G kung paano pagsusunod sunorin sa listahan ang mga taong mahalaga sa kanya. She's very much aware about the so called "billing". Dapat kasing una niyang banggitin ang mga kaibigan niya. Lalo na si Angel. Pero bilang pagbibigay halaga rin kay Rhian, inilagay niya ito sa dulo. Binigyan niya ng importance ang existence nito sa buhay niya. She cannot line-up Rhian among her four friends because she treats Rhian differently. Yes! Differently! Because Rhian is special for her. Bakit ko ito nasabi? Teka muna, sasagutin ko 'yan mamaya!

Glaiza first met Rhian in Stairway to Heaven. Pero bilang GMA artists, sa tingin ko, matagal na silang nagkikita even before STH. Marahil ay sa STH lang nila nakilalang mabuti ang isa't isa at nagsimula rin silang maging close dahil sa soap na ito. Dito rin sa panahong ito nangyari ang kanilang bonding at ang hindi inaasahang... ehem (cough!). Dito rin sa panahong ito nangyari na nakikita silang lumalabas ng gabi para mag-coffee. Mag-coffee?

Her unforgettable moment with Rhian was when they had an intensed scene in STH. She pulled her hair at medyo napalakas daw ang hatak. Ayaw niya kasing saktan si Rhian. AYAW NIYA TALAGA. Pero hinihingi ng eksena. Unforgettable sa kanya 'yon dahil ang totoo ay protective siya kay Rhian... kahit noon pa...

Hindi ang kissing scene sa final episode ng TRMD ang unforgettable sa kanya. Kasi, even before that kiss, nag-kiss na sila ng ilang beses. Hey! Ang ibig kong sabihin, nag-kiss na sila accidentally ng ilang beses, lol!

Kung mapapansin ninyo, ang dedicated song niya kay Rhian ang may pinakamalalim na kahulugan. Hindi lang bilang kaibigan kundi higit pa... Ayan ha! Nasagot ko na tanong ko kanina. Higit pa si Rhian sa pagiging kaibigan.

SoulmatesWhere stories live. Discover now