16 - Same Feather

4.1K 186 95
                                    

(Disclaimer: This is a fanfiction only)


September 18, Tuesday. It's 6:00PM. Rhian and her handler were in Lugang Cafe in O'Square Greenhills. Nandoon sila para sa paborito niyang siomai. Kagagaling lang nila sa office ng Abante Tonite para sa promotion ng kanyang tatlong movies. Ang The Trigonal, Tres - 72 Hours, at ang Kung Paano Siya Nawala.

At 8:00 PM, may usapan sila ni Glaiza na magkikita sa condominium unit nito sa Eastwood. Hangga't maaari ay ayaw niyang sa Rockwell sila magkita. Una ay dahil sa iisang building lang sila nakatira ng kapatid ni Jason. Bilang respeto rito ay iniiwasan niyang magkita sila habang magkasama sila ni Glaiza. Pangalawa ay napapansin na ng mga fans na madalas siyang nagpupunta sa Rockwell. Hangga't maaari ay gusto niyang manatiling private ang kanyang safe haven.

Isa lang ang nakita niyang post sa IG story ni Glaiza sa araw na iyon. It's a late post. Isang coconut tree ito na kuha pa sa Baler noong nagbakasyon ito kasama ang pamilya... at si David Rainey... si David Rainey na pinagselosan niya noon... si David Rainey na nag-trigger sa desisyon niya na makipag-break kay Jason... si David Rainey na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maiwasang hindi pagselosan...

 si David Rainey na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maiwasang hindi pagselosan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nagseselos siya. Kasi mas mahabang oras pa na kasama ito ng girlfriend niya ngayon. Nagseselos siya dahil ang alam ng marami ay ito ang prince charming ni Glaiza. Nagseselos siya... lalo na siguro kung hindi niya alam ang pagkatao nito...

Habang nasa ganoong isipan ay tumunog ang cellphone niya. Ang nasa register nito ay ang code name ng babaeng iniisip niya. Si Glaiza.

Tumayo siya para hindi marinig ng handler niya ang pag-uusapan nila. She answered the call.

"Hello, what's up?" Bati niya

"Hello, love! Nasaan ka na?" Tanong nito.

"Nasa Greenhills. Why?"

"Just asking, love. I'll leave the house by 7:00. Before 8:00 nasa condo na ako".

"That's good. I'll just finish my dinner. Will probably leave here by 7:15".

"Ok then. By the way, love, ngayon ilalabas sa 24 Oras ang interview sa akin noong Oppo F9 Launch tungkol kay David. I'm sure, maraming magre-react na fans. Be ready."

"You too. Be ready, love. May matutuwa, pero may malulungkot din. And worse, baka may bumitaw".

"Yeah, I know".

"Love, a true fan will stay with you regardless of your choices in life. Kung may mawala man, may darating na kapalit. Just keep your passion burning in everything you do". Pagpapalakas niya ng loob dito.

"Thank you, love. I will remember that".

Bumalik siya sa upuan para ipagpatuloy ang pagkain. She enjoyed every bit of it. She finished five out of eight siomais that they ordered. It's her favourite. She can finish all the eight if not for her handler.

SoulmatesWhere stories live. Discover now