9 - The Blazer

3K 156 72
                                    

(Disclaimer: This is just a fanfiction. Please take note of the dates so that you can follow series of events).

-------------

It was almost 1:00 in the morning of April 11, 2018. Wednesday. Rhian and Glaiza were both sitting on the sopa. They were in the family room of the second floor of Darlene's house in Pasig.

Kadarating lang ni Glaiza mula sa Bataan kung saan nag-taping sila ng Contessa. It was more than 200 km drive from more than 20 hours of taping. She was literally exhausted. Pero hindi niya alintana ang pagod kapag kasama si Rhian. In fact, isa si Rhian sa pinaka epektibong energizer niya. Kahit nga kung minsan, 30 minutes lang silang magkasama, sumisigla na ang katawan niya. At kapag naghihiwalay na sila ay lagi siyang nakakaramdam ng panghihinayang o panghihina. Kung pwede lang sana na lagi na lang silang magkasama... pero hindi pa panahon para rito...

Hinawakan ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay ni Rhian. Tumayo siya at hinila ito. "Halika na, lubb. Magpahinga na tayo. Maaga pa ang taping mo bukas".

Tumayo na rin si Rhian. Samantala, dinampot naman ng kaliwang kamay niya ang backpack.

"Where's Darlene?" Tanong ni Rhian.

"Natulog na yata, lubb".

Pumasok na sila sa guest room. Ito ang madalas nilang gamitin kapag narito sila sa bahay ni Darlene. It's a 6m x 6m room, with double bed. Mayroon itong closet, large ornate leaning mirror, small cabinet at one single sopa. May sarili rin itong bathroom. Small, not too cozy, but clean, organized and descent.

Ibinaba ni Glaiza ang backpack niya sa sopa. Pagkatapos ay humarap siya kay Rhian.

"I missed you so badly". Wika niya habang papalapit sa minamahal.

Rhian cupped her face and kissed her lips. Heto na naman... nawawala na naman siya sa mundong kinaroroonan. Ang mahalaga lang sa kanya ng mga sandaling iyon ay si Rhian. Ang gusto lang niya ng mga sandaling iyon ay tugunin ng kapwa pagmamahal ang mga halik nito ... halik na banayad. Nakakalasing... hanggang unti unting naging mapusok.

Ilang sandali pa ay naramdaman nilang naroon na sila sa kama... mga sandaling panandalian pero sapat para maibsan ang kalungkutang nadarama.

"I love you, Glai". Bulong ni Rhian sa tapat ng kanyang tenga.

"I love you too, Rhi" tugon niya.

Mga salitang nasasabi lang nila kapag magkasama. Na kung minsan ay sinasabi rin nila sa isa't isa kapag magkausap sa telepono. Pero naroon lagi ang pag-iingat. Naroon ang limitasyon. Naroon ang pag-aalala na baka sila ma-expose. Well, this is the perk of being a prime actress. Hindi makakilos ng gusto. Laging iniingatan ang pangalan. Laging may matang nakatingin...

Sa pagkakataong katulad nito, kinakalimutan muna nila ang trabaho. Kinakalimutan ang paligid... ang mahalaga para sa kanila ... ay ang isa't isa.

——————

It's 6:00 AM. Nakapaligo na si Rhian. Ilang minuto mula ngayon ay paparating na ang kanyang Toyota Super Grandia na minamaneho ng kanyang driver. Iiwan muna niya ang Honda car kina Darlene. Diretso na siya sa location na kinaroroonan ng coffee shop ni Sam na kapatid niya sa TOTGA.

"Lubb, enjoy your trip to Japan and South Korea on Saturday" bilin ni Glaiza sa kanya habang nakaupo ito sa kama.

"Sure I will, lubb. I'll make sure to visit Osaka Castle and Nara Park. But don't fail to try skydiving when you visit Wollonggong, lubb. You'll surely enjoy it. You'll have a sense of fullfillment once you've tried it".

"I will boss!"

Maya-maya pa ay may natanggap na siyang message mula sa driver.

"Lubb, nandyan na ang driver ko. I'll go ahead. I'll miss you." Humalik siya kay Glaiza. "Keep on updating me".

SoulmatesWhere stories live. Discover now