Chapter 7: Knights Organization

2.1K 85 10
                                    

Xaianah Rue's POV

It was a tiring day yesterday. First week ko pa lang dito sa Emsterdom High, marami na akong naranasan. Ngayon, tahimik akong naglalakad papunta sa classroom. As usual, ako ang pinakauna.

Since maaga pa, naglakad lakad muna ako sa school garden. Napakalaki doon at napakaganda. Iba't ibang klase ng bulaklak ay makikita roon.

Habang naglalakad, narinig Kong may mga tao sa makahoy na parte ng hardin.

Nagtago ako sa likod ng puno at nakinig sa pinag-usapan nila.

"Nasaan na ang mga chemicals na hinihingi namin?"

"Nandito."

"Mabuti. Gaya ng kasunduan, heto ang pera."

"Nice doing business with you."

"Sige alis na kami."

Those are illegal transactions. Hindi kaya, ito ang 'the organization'?

Ilang sandali, nakaalis na ang lalaking nag-uusap kanina. Naroon pa din ako sa likod ng kahoy nang may kumalabit sa akin.

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang lalaking kumidnap sa akin kahapon. Tinutukan niya ako ng baril kaya hindi ako makagalaw.

"Pakialamera ka rin pala, what are you doing here?" Tanong niya sa akin.

Di ako makagalaw. Parang napako ako sa aking kinatatayuan. Nanginig ang mga tuhod ko habang tinitigan ang baril niya. If this is the end, I am willing to accept it.

"I'm sorry, naglakad lakad lang ako. Tapos napunta ako dito. Hindi ko sinasadyang marinig ang..."

"You should keep your mouth shut! Gustong gusto na kitang patayin dahil sa ginawa mong pakikialam. Pero wala along magagawa dahil utos lang ng Hari ang sinusunod namin." He said while still pointing the gun at me.

"Kill me then." I said and closed my eyes, ready to accept the death.

"Ayoko, masyado kang maganda para patayin." Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya. He must be kidding me.

Itinago niya ang baril sa kanyang bag. Naguguluhan ako...

"So, papatayin mo ako kung hindi ako maganda?" Tanong ko.

"Oo."

Lalonh bumuka ang labi ko nang marinig ang sinabi niya. Ganda lang pala ang habol niya sa akin. Ay, iba din ano. Kakaiba talaga ang mga estudyante rito sa Emsterdom High. Emsterdom really is something!

"Hide here, stay and wait." Utos niya sa akin kaya sumunod na lamang ako.

Hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang pangalan ng mokong na iyon.

"Sir Lancelot, tapos na ba ang transaction?"

"Tapos na Sir Gawain. Anong utos ni King Arthur?"

"Bantayan mo lang daw ang babae. Ikaw ha, ang swerte mo. Maganda ba?"

"Oo. Wag ka nang makialam."

Ilang minuto ang lumipas, bumalik na ang lalaki sa pinagtataguan ko.

"Ikaw ha, hindi mo sinabing Lancelot pala ang pangalan mo. Old fashion." Sabi ko.

"It's just a codename."

"So, your codenames are the names of the Knights of the Round Table."

"Yeah. Look Xia, let's just pretend that nothing happened. How about a formal introduction?" Sabi niya at tumango lamang ako.

"I'm Dalton Enrique, one of Emsterdom High heartthrobs..."

"Wait, pwede namang Dalton Enrique lang, wag mo ng isali ang heartthrob thingy na yan."

He just smirked.

"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan? Magsisimula na ang klase." Sigaw ni manong guard.

Dali-dali akong nagpaalam at pumunta sa classroom.

High School Detectives Where stories live. Discover now