Chapter 14: Betrayed

1.8K 78 14
                                    

Xaianah Rue's POV

"King Arthur is back."

"King Arthur is back."

Nasa isip ko pa ang mga sinabi ni Dalton.

"Hindi ko siya kilala, ni picture niya, wala."

"Ms. Vasco, are you listening to me?"

"Ay King Arthur!"

Tinaasan ako ng kilay ni Ma'am Lasarna. Patay! Sa lalim ng iniisip ko hindi ko naalala na pumasok na pala siya. I'm dead! Siya pa naman ang pinakaterror na teacher dito.

"At ano ang iniisip mo?" Tanong niya.

"Ah... A-ano p-po ma'am..." Nauutal kong sabi.

May biglang kumatok sa pinto ng aming classroom. Si Tito Harold, ang principal ng Emsterdom High. Hay salamat! Saved!

"Excuse me Ma'am Lasarna, I have a special announcement." Sabi niya.

Todo tili naman ang mga kaklase ko. Honestly, gwapo talaga si Tito. Pinsan siya ni mommy. Kahit 24 na siya, mukha pa rin siyang 19. Bakit ba siya ang principal ng school na ito, eh ang bata pa niya? Simple lang, kasi parents niya ang may-ari ng school na ito.

"Okay sir." Pagpapacute naman ni Ma'am Lasarna. Nawalan ata ng sungay ang gaga.

Pumasok na si Tito at nagsalita.

"Students, as we all know, may patayan na namang naganap rito sa Emsterdom High, gaya ng nangyari two years ago." Kalmado niyang sabi.

So, nangyari na pala ito two years ago. At ngayon lang ulit nangyari. I wanna know what happened.

"So, gaya ng ginawa natin noon-" naputol ang pagsasalita ni Tito Harold nang isang estudyante ang nagtanong.

"Sir! Paano niyo po nalaman na nangyari na ito two years ago, diba last year lang kayo naging principal dito?" Tanong niya.

"I asked the school teaching staff." Agad niyang sabi.

Nagsimula nang magbulung-bulungan ang aking mga kaklase.

"Common sense naman Gino."

"Siyempre, principal siya, eh di, magtatanong talaga yan."

"Ikaw Gino, ha, gamitin mo yang utak mo." My classmates said, blaming Gino, the one who asked earlier.

"Curious lang naman ako." Depensa niya.

Tito Harold faked a cough to draw the attention of the students back to him.

"As I was saying, gaya ng ginawa noon, let us check your bags to make sure that there is no deadly weapon hidden inside." Sabi niya at sinenyasan ang mga kasama niya upang pumasok sa classroom.

I was shocked to see Dalton with them at ang lalaking tinatawag na Sir Tristan.

Both looked at me and flashed a worried expression. Naguluhan ako ngunit isinawalang-bahala ko na lang.

While checking our bags, one of them shouted.

"Sir Harold. Nakita ko ang lason na ito sa bag niya." He said pointing to Gino.

Agad naman siyang nilapitan ni Tito Harold.

"Bakit may lason sa bag mo?" Tanong niya.

"H-hindi k-ko po a-alam na may l-lason diyan s-sa b-bag ko. P-promise po. W-wala p-po akong a-alam." Nauutal niyang sabi. Namumutla na rin siya.

"Sir, I also found this needle here." Sabi ng isang lalaking kasama ni Tito Harold. He is holding a needle while pointing to Gino's bag.

"So it's you who killed them." Sabi Tito Harold.

"Boys, bring him to my office now." Puno ng otoridad ang boses niya habang pinanlisikan ng mata si Gino.

All of us were shocked. How could Gino kill them? Judging by his actions, hindi niya kayang gawin iyon. At bakit naroon sa bag niya ang murder weapon? Is that enough to prove that he is guilty?

"S-sir, h-hindi ko p-po kayang g-gawin ang k-karumaldumal na bagay na i-iyon." Sabi ni Gino.

Hinawakan na siya ng mga kasama ni Tito Harold na para bang ikukulong na siya.

"Tsk, tsk, tsk. Another innocent." Rinig kong sabi ni Dalton kaya lalo pa akong naguluhan.

Umalis na sila sa classroom kaya resume na ulit ang klase.

"Mabuti naman at nahuli na ang killer na walang iba kundi ang walang common sense na si Gino."

"Oo nga. Baka talagang baliw siya at naisip niyang pumatay."

"Hindi pa rin nagsink-in sa utak ko na si Gino pala ang killer."

"Grabe, ang bait pa naman niya sa akin."

"Crush ko pa naman siya."

"Girl, looks can be decieving. Malay mo, ikaw pala ang sunod niyang target."

Narinig ko ang bulungbulungan ng mga kaklase ko. Bumuntong-hininga na lamang ako.

"You're so quiet. You seem to know something about this case." Sabi ni Cas sa tabi ko.

"H-ha? A-ah, wala- akong alam." I suck at lying.

"You seem so bothered. I know you're lying. Drop the act, tell me something." Sabi niya.

"Ah, Cas, ano kasi... Mahal ko pa ang buhay ko." Sabi ko sa kaniya. Kung matalino siya, alam niya ang ibig kong sabihin.

"There's no time for jokes Rue, serial killing is a serious case." Sabi niya at mukhang naiinis na. Okay, hindi niya nagets.

"Ang sabi ko, mamamatay ako pag sasabihin ko sayo." Sabi ko.

He gave me a deadly glare.

"Why don't you just kill yourself and save lives!" Inis na sabi niya.

Wait, what? Gusto niyang mamatay ako para maligtas ang buhay ng iba. Gusto niyang sabihin ko sa kanya lahat ng alam ko and then, the Knights will kill me and that's okay for him. Bahala nang mamatay ako basta malaman niya lang ang totoo. How selfish!

Akala ko ba iba siya sa mga kaibigan ko. I thought, he's always there to comfort me pero heto at itataya niya ang buhay ko kapalit ng sekretong alam ko.

Wala siyang pinagkaiba sa kanila.

"Goodbye class."

"Goodbye and thank you Ms. Lasarna."

Tapos na ang klase kaya tumakbo ako palabas. I looked up to prevent my tears from falling. I feel betrayed. Again.

Hindi pa ako nakalabas ng campus when I heard a scream. Agad akong tumakbo doon at nakita ang isang babaeng gulat na gulat na nakatingin sa bangkay ng biktima.

The back of the victim is facing us while his face is faced on the floor. His back is so familiar. Sinuri ko ang katawan niya and then I saw a needle.

Same murder weapon, same pattern, ang kaibahan ay wala nang saging.

I rolled the victim and was shocked to know who he was.

The victim is Dalton!

High School Detectives Where stories live. Discover now