Chapter 10: Not Your Ordinary Organization

2K 89 2
                                    

Xaianah Rue's POV

Week end na kaya narito lang ako ngayon sa higaan ko. Ayokong bumaba dahil makikita ko na naman si mommy na umiiyak. Sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak, sinisisi ko ang sarili ko.

Minsan nga, naisip kong magnet ako ng kamalasan. On second thought, sadyang malas talaga ako. May kumatok sa pintuan kaya nabaling rito ang atensyon ko.

"Anak, bumaba ka na. Let's have some snacks." Masiglang bati sa akin ni mommy.

On second thought, gusto kong makipagbonding sa kanya. Bumangon kaagad ako at nginitian siya.

"Aba! Blooming ka yata ngayon mommy!" Sabi ko.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"So as you, honey. Now get up. Pupunta pa tayo sa mall." Sabi niya at umalis.

Napangiti na lamang ako at bumangon na. Naligo muna ako bago magbihis. Pumunta ako sa dining room at nakita kong naroon si mommy.

"Snacks muna anak." Sabi niya.

Kumain muna ako ng snacks. Pagkatapos ay sumakay kami sa sasakyan niya at pumunta sa mall.

Una naming pinuntahan ay ang Accessories store. Marami kaming nabili. Sunod naming pinuntahan ay ang Clothing section. Marami rin kaming napili at dumiretso na kami as food court.

Habang kumakain, nahagip ng mata ko si Dalton. Agad bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nakita niya rin ako kaya kinindatan niya ako. Muntik na akong masamid kaya humingi ako ng drinks kay mommy.

"Are you okay anak?" Tanong niya sa akin.

Tumango lamang ako at uminom. Through the corner of my eyes, I saw Dalton smirk. Humanda ka sa akin!

"Let's go home sweetie!" Sabi ni mommy.

Tumango ulit ako. Pumunta na kami sa basement kasi doon nakapark ang sasakyan ni mommy. Habang papunta doon, may nakita akong mga lalaki. They look suspicious sa suot nilang black suit and black mask. Para silang Men in Black, well, men in black naman talaga sila.

Parang Hindi sila napansin ni mommy dahil nakangiti lang siya habang naglalakad.

"Sh, silence, let's wait until those two get outta here." May narinig akong nagsalita.

Lumingon ako sa paligid. Parang walang tao roon except sa aming dalawa ni mommy. Wala na rin ang mga men in black. I think, nagtatago sila. Then, that makes them more suspicious.

"You're so noisy! Mmm.." Hindi ko na narinig ang murmur dahil parang tinakpan ang bibig ng nagsalita.

"So honey, let's go!" Sabi ni mommy kaya binuksan ko ang pintuan ng passenger seat at doon pumwesto.

Nang makalabas na kami sa basement, pinahinto ko ang sasakyan.

"Mom, wait!" Sabi ko. Naguluhan naman si mommy kaya nagtanong siya.

"Why honey?"

"I forgot something. Kailangan kong balikan."

Bago pa man siya makareact, bumaba na ako sa sasakyan at nagmadaling bumalik sa basement. Sakto naman ang pagdating ko roon dahil lumabas na mula sa pinagtataguan ang mga men in black. Nagtago ako sa likod ng isang kotse upang hindi nila ako makita. Mahirap na, baka ano pang mangyari sa akin.

"This is the money, where are the guns?" Tanong ng isang nakablack din.

"Here." Sabi ng isa.

Tiningnan muna ng lalaki ang baril. Itinutok niya ito sa kasosyo niya kaya naalarma ang kabilang panig. Itinutok na rin ng kanyang mga kasama ang kanilang baril sa mga bodyguards ng kalaban at sabay sabay na nagpaputok.

I covered my ears. Pero ang akala kong maingay na putok ay parang tunog lang ng bubuyog. Patay na ang kabilang panig. Nagkalat ang kanilang dugo sa sahig ng basement.

"Clean this mess. Just make sure you won't leave any bloodstains here." Sabi ng lalaki at akmang papasok sa kaniyang sasakyan.

Naramdaman kong parang may malamig na metal na inilapat sa aking batok kaya napatingin ako sa likod. Oh My!

"Sir Tristan! May nakita akong pakialamera dito." Sigaw ng lalaki sa likod ko.

Lumingon naman ang tinatawag na Sir Tristan. Wait! Ito yung organization ni Dalton. The Knights. Yeah, alam ko kasi The Knights of the Round Table ang codename nila. Hinila ako ng lalaki papunta sa kanya.

Pinaluhod ako sa harap niya at siya naman ay nakatingin lang ng diretso sa mata ko. Itinutok niya ang baril sa akin kaya pumikit na lamang ako.

"Are you ready to die?" Tanong niya kaya naguluhan ako.

"Kung papatayin mo ako, wag mo nang pahabain pa and estorya." Sabi ko sa kanya.

"As you wish." Sabi niya.

Narinig ko ang pagkasa niya sa baril. Nag-unahan ng pumatak ang mga luha ko. This is going to be the end. I'm gonna die in the hands of this organization.

Itinutok na ni Sir Tristan sa ulo ko ang baril ng...

"Sir Tristan!"

"Sir Lancelot?"

"D-Dalton?"

High School Detectives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon