One

12.1K 230 1
                                    




HINDI magkamayaw si Allisa sa pagpagpag ng kanyang mga nahulog na gamit habang papaakyat sa mahabang hagdanan ng kanilang kompanya. Her Manolo Blahnik shoes was now having a slight scratch. Gusto niyang maiyak dahil paborito niya ang naturang sapatos. She bought that last year. 

"Why do I have to experience this?" naiiyak niyang sambit habang muling umakyat sa hagdanan. She needed to be there on time. Alam niyang mapapagalitan siya ni Mrs.  Demecillo. 

Si Mrs. Demecillo ang nakatokang magbantay sa kanya. She was now in the accounting department dahil iyon ang bilin ng kanyang ama. Her father wanted her to follow his step. Gusto ng ama nito na masanay si Allisa sa mga trabaho mula sa baba hanggang sa taas. 

But no—she wasn't aiming for that position. Kontento na siya sa business niya na La Alquera. Marami silang branches sa iba't-ibang bansa. Si Rica ang nagbukas ng bagong branch nila sa Europe. She supported her best friend on her journey. Masaya naman talaga ang buhay niya not until her father interrupted her peaceful life. 

Alam ni Allisa kung anong kayang gawin ng Daddy niya. She could make her life a living hell lalo na ng mga kaibigan niya. She had no choice but to follow his order. Ayaw niyang madamay ang mga kaibigan lalo na ngayon na may mga asawa na ang iba niyang kaibigan. 

Her father could do anything just to turn things on his side. Ayaw niya iyong mangyari kaya siya pumayag sa ordeal ng Daddy niya. 

Nang makarating siya sa department nila ay sinalubong siya ng nagbabagang mata ni Mrs. Demecillo. Gusto niyang yumuko pero hindi niya magawa dahil baka mas lalo siyang pagalitan nito. 

"You are five minutes late, Ms. Faburada," anang Mrs. Demecillo. Napatingin ang ibang nagtratrabaho sa departamentong iyon. Napakagat siya ng kanyang labi at akmang sasagot na siya nang magsalita na namang muli si Mrs. Demecillo. "Your father will never like this attitude. Alam mo naman na ako ang inutusan ng Daddy mo para turuan ka sa trabaho. I hope you get that, Ms. Faburada." dagdag ni Mrs. Demecillo. 

She just nodded her head as a sign of affirmation. Wala naman talaga siyang magagawa. She was left with no choice. Kailangan niyang sundi ang utos ng kanyang ama. 

"Go and start being productive!" sigaw ni Mrs. Demecillo bago ito tuluyang umalis. 

Allisa heaved a sigh and went to her desk. Hindi siya pinapansin ng mga tao sa department nila dahil natatakot pa rin ang mga ito sa kanya.  Hindi niya nga alam kung anong dapat katakutan na pareho lang naman silang empleyado ngayon.

Nagsimula na siyang magtrabaho para hindi siya pagalitan ni Mrs. Demecillo.

PAGOD NA PAGOD ang katawan ni Allisa nang matapos ang kanyang shift. The eight-hour shift became a ten hour since may pinapatapos na report si Mrs Demecillo. Good thing she was excellent in handling numbers. Kaya siya ang napili ni Mrs. Demecillo na magtapos ng mga report. Nasa loob na siya ng kotse niya na maayos niyang naihimpil sa parking space na nakalaan para sa kanya. She wanted to check La Alquera before going home. Alam niyang nasa loob pa si Rica. Quennie was too busy for her honeymoon. Si Girlie at Jhovie naman ay hindi niya mahagilap. Habang si Stefanie ay nasa farm nila. 

She went inside the shop and she was greeted by the staff. Didiretso na sana siya ng opisina nila na nasa taas nang mapansin niya ang komosyon sa isang table. 

Tinawag niya ang isa sa mga staff at nagtanong. "What is happening there?" kunot-nuo na tanong niya.

"Ma'am, kanina pa po nag-aaway ang dalawang babae na 'yan. Wala naman pong pakialam si Sir," sagot nito sa kanya.

Mas lalong nangunot ang nuo niya nang sinabuyan ng ice frappe ng babaeng nakapula ang lalaking prenteng nakaupo sa upuan nito. Nahindik siya sa nakita. Nilinga niya ang paligid. Sa tingin niya ay nasa opisina nila si Rica kaya hindi siya matutulungan nito.

"You should have stayed with me, Anthony!" sigaw ng babae. She was clenching her fist. "You fucked me and my bestfriend. Ano iyon tinuhog mo kaming dalawa?!" 

The woman was now in rage. Halatang nakakadistorbo na sila ng tao kaya kailangan na niyang pumagitna. Lumapit siya sa komosyon. Ang ibang staff ay patuloy pa rin sa paghawak sa babeng nagwawala. The man just pinched the bridge of his nose. Mukha siyang pamilyar. He was wearing ang eyeglasses on his chinky eyes. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi nito. Walang duda na gwapo ito kaya pinagkakaguluhan ng mga babaeng ito. 

"Ma'am, tama na po. We can discuss this issue outside the establishment. Nakakagambala na po tayo ng customer." Allisa interrupted using her calm tone. Nabaling sa kanya ang atensyon ng mga tao.

"At sino ka naman? Babae ka rin ba ni Anthony?!" maangas na tanong sa kanya ng babaeng nagwawala. Ang isa naman ay tahimik na umiiyak. 

"No, No, I am the owner of this establishment and I can see that your causing trouble to our other customer. So, if you don't mind, I want this matter to be discuss privately by you and this guy," Allisa spoke. 

Nanlaki ang mga mata ng babae. Napalibot ang mga mata nito sa kabuoan ng shop. The woman clutched her chest and sighed. "Fuck! I made a scene."

"I don't know the real issue pero gusto kong maging maayos ang takbo ng negosyo ko." dagdag ni Allisa. 

"I know, I understand," huminga ito nang malalim at binalingan siya. "I am sorry. Nagmahal lang naman ako and this man isn't worth the embarrassment." bumaling itong muli sa isang babaeng umiiyak. "You are still my best friend. Sana maisip mo iyan," wika ng babae bago ito tuluyang umalis. She was left there standing in front of the man and beside the woman who was still crying. Seconds later, hinabol ng babae ang kaibigan nito kaya siya nalang ang naiwan.

She felt sorry for the women who cried for this one-of-a-kind womanizer. Imagine, magkaibigan ang tinuhog nito. Isa that even possible?

Hindi niya napigilan ang sarili niya.

She sat in front of the man, who was now looking through the menu as if he'd never made a fuss inside her shop. Ang lakas ng apog. Anong akala niya sa sarili niya? God gift for women? 

Kumukulo ang dugo niya sa mga ganitong klaseng lalaki. Mga kamag-anak ni Satanas. 

"I'm not sure how you can sit so comfortably in that chair without thinking about how much trouble you've caused those two women."

Nagtaas ito ng tingin sa kanya. "I am sorry?"

"Wow! Wow!" she leaned on her chair and crossed her arms around her chest. "Seriously?!" aniya nang hindi makapaniwala sa kakapalan ng mukha nitong magmaang-maangan.

"I ended things clearly with them. I told them that I am going to meet my fiancé." he started explaining as he put back the menu on the table. "I never touch her best friend. We never had any sexual interaction."

"Ang kapal ng mukha mo--"

"Stop judging me, Allisa." anito na ikinabigla niya. How did he know her name? Did they meet before? "As I already stated, I am heading to meet my fiancée here. I have no reason to cause them any trouble." mahinahong wika nito.

Pakiramdam ni Allisa ay parang umurong ang dila niya sa sagot nito. 

She became curious and started to ask him again. "So, where's your fiance then?"

He gave me a beautiful grin and looked her in the eyes. "She's here. She here in front of me."

Allisa's eyes widened in surprise. Is he kidding, or what? What the hell is going on here?

Take Me (La Alquera Series #3)Where stories live. Discover now