Five

10.5K 205 7
                                    

THEY finally settled down on Allisa's place. Ang buhay na mayroong asawa ay bago para sa kanya. Allisa was not used to of having a company in her own house. Sanay siyang mag-isa at ang mga kaibigan lamang niya ang kanyang nakakasama.

That morning, she woke up a little too early. Hindi rin kasi siya makatulog dahil iniisip niya pa rin ang nangyari sa kanyang buhay. Isang linggo nang nakalipas simula ng ikasal siya kay Yuan. Yuan was good man. He never leave the house without saying goodbye to her. Hindi na rin nag-aabala pa si Allisa na magluto ng almusal dahil nakahain na lahat. Yuan was too fond in preparing breakfast for the both of them. Nagiging komportable na siya na kasama si Yuan. Masaya siya kapag nakakausap niya ang binata. Sa tingin niya ay marami itong kwentong baon dahil palagi itong may ibinabahagi tungkol sa nakaraan nito.

Pero hindi pa rin mawala sa isip ni Allisa kung bakit parang pamilyar sa kanya si Yuan. She knew that she met him before. She just couldn't remember when or how.

Napahinga siya nang malalim. Ipinulupot niya ang robe sa kanyang katawan habang naglalakad papunta sa swimming pool area. Hindi na siya makatulog ulit. Alas kwatro na rin ng madaling araw. Hindi na rin niya babalakin pang matulog ulit dahil baka ma-late siya ng gising. Kailangan pa rin niyang mag-report kay Mrs. Demecillo.

"Ally..." narinig niyang may tumawag sa kanya mula sa kanyang likuran. It was Yuan. "Ang aga mong nagising. Do you want coffee?" he offered.

Napangiti si Allisa. "You are spoiling me, husband," biro niya rito. "Hindi na ako makatulog. Kailangan ko rin na mag-ayos nang maaga dahil baka mapagalitan na namana ko ni Mrs. Demecillo."

Nilapitan siya ni Yuan na kasalukuyang may bitbit na tasa na may lamang kape. "I see that you are still following your father's order," anang Yuan.

Ally shrugged her shoulders. "May magagawa ba ako? Alam mo naman si Daddy masyadong manipulative. I don't want to cause any trouble that's why I am doing this."

"How's La Alquera? Your friends?" Yuan asked.

Allisa sighed heavily. "The business was doing fine. Quennie is now happy. Si Rica naman ay magkakasupling na. Jhovie went back to Canada. I can't get a hold of Girlie and Stefanie."

Inalis ni Allisa ang kanyang tingin sa malawak na pool at bumaling kay Yuan. Isang linggo na rin na hindi niya nakakausap ang mga kaibigan niya. Hindi siya nag-alala kay Quennie at kay Rica dahil alam niyang may nag-aalaga na sa dalawa. She was worried for her other friends.

"I think they're okay, Ally." anang Yuan. Sumimsim ito sa kape na hawak nito at pinakatitigan siya. "You just love them that much that's why you are worrying for them."

"Normal lang naman na mag-alala ako," sabi niya. "I never had a sister. I grew up alone because I was an only child. Sila Mommy at Daddy naman ay may kanya-kanyang mga trabaho. I never wanted to interfere their job. Kaya nang makilala ko ang mga kaibigan ko ay laking tuwa ko. Naramdaman ko kung paano magkaroon ng kapatid dahil sa kanila. They're part of my life." Allisa sighed.

Aminado si Allisa na lumaki siyang may gintong kutsara sa kanyang bibig. Ibinibigay lahat ng mga magulang niya ang mga gusto at kailangan niya pero ang mga oras naman nito ay malimit lamang na ibahagi sa kanya. Lumaki siya na kasama ang kanyang mga yaya. Hindi niya matandaan kung kailang siya huling naihatid ng kanyang mga magulang sa eskwelahan noon. Lumaki siya na wala sila. That was so sad for her as a kid but she learned how to deal with it.

Noong nag-aaral pa siya ay ni minsan ay hindi niya nakita na dumalo ang mga magulang niya sa kahit na anong aktibidades sa kanyang paaralan. She was an honor student when she was still in elementary. She graduated with flying colors during her high school years. Tanging ang mga kaibigan at si Manang Rita lamang ang nakasama niya sa lahat ng mga importanteng pangyayari sa buhay niya.

Take Me (La Alquera Series #3)Where stories live. Discover now