Four

10.2K 208 1
                                    

YUAN Anthony Dy was waiting for his bride to finally arrive. Marrying Allisa Faburada was never his plan but when her parents came to his family to ask for help he didn't think twice and he immediately asked for her hand to a marriage.

Matagal na niyang kilala si Allisa at ang mga kaibigan nito. Si Allisa ang klase ng babaeng hindi kayang hindian ng mga kalalakihan. She was a hot shot during their college years. He admired her but she did something horrible.

Napahinga nang malalim si Anthony habang sinipat ang kanyang relong pambisig. Nasa tabi niya ang kanyang ama na suportado sa plano ng dalawang pamilya. His mother also agreed to this wedding. Walang tutol sa pag-iisang dibdib ng kanilang dalawang pamilya. Si Allisa naman ay hindi na rin nagkaroon pa ng panahon para magreklamo. She just accepted her fate.

"She's coming," his mother informed. "Are you really sure about this, Anthony?" tanong ng kanyang ina sa kanya. Humarap siya rito at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

"Ma, you are worrying too much," aniya.

"This is all sudden. Hindi ko alam na agad-agad pala dapat ang kasal."

"Ma, this is what her parents want. Kailangan kong sundin."

Tumango ang kanyang ina bilang pagsang-ayon. Tama rin naman kasi siya. Ito ang gusto ng pamilya ni Allisa. Gusto nilang maikasal agad ang nag-iisang anak nito sa kanya. It was also convenient for him. He could finally set his plan for her.

"She's here," it was his father who announced Allisa's arrival.

Tinapik ng kanyang mga magulang ang kaniyang balikat. The piano version of Love Me For A Reason played while Allisa was walking down the aisle. It was really unusual because he never heard the song was being played in a wedding. Allisa was wearing a simple white mermaid dress. Tinernuhan nito ng maliit na veil sa ulo. She was smiling while walking towards him. Nakaramdam siya ng kaonting kaba sa kanyang dibdib. This woman was still stunning after years of not seeing her. h

Inaamin niya sa sarili niya na kasalukuyan siyang namamangha sa dalaga habang papalapit nang papalapit ito sa kung saan siya nakatayo. He gulped hard when she waved her hand. Ang mga kaibigan nito ay nagsiiyakan na. Si Allisa ay nakangiti pa rin.

Nang tuluyan nang makalapit sa kanya ay inilahad nito ang kamay nito sa kanya. Anthony was trembling while reaching for her hand.

Damn! Anthony get a hold of yourself.

Tahimik niyang pinapagalitan ang sarili sa kanyang isipan. Nang maglapat ang kanilang mga kamay ay naramdaman niyan pinisil iyon ni Allisa.

"Ang ganda ko 'no?" pabirong tanong nito sa kanya.

Napaawang siya sa kanyang labi. Pero dahan-dahan siyang tumango. "O-Oo," sagot niya habang nauutal.

"Alam ko ang ganda ko. Swerte mo ang ganda ng mapapangasawa mo," bulong nito sa kanya,

Napailing na lamang si Anthony dahil sa tinuran ni Allisa. Totoo naman kasi na napakaganda nito kahit na anong ipasuot dito. Inalis niya ang kanyang tingin sa dalaga at humarap sa judge na magkakasal sa kanila.

The ceremony started. It was just quick and simple. Walang wedding vow dahil hindi 'rin naman sila makakagawa dahil ano namang sasabihin nila 'eh produkto lamang sila ng arranged marriage.

Nang matapos ang seremonya ay dumiritso na agad sila sa reception kung saan sa garden lang 'din ng mga Faburada gaganapin. Kaonti lamang ang kanilang inimbita dahil gusto nila na wala munang makakaalam sa pagpapakasal nilang dalawa ni Allisa.

Their parents were just talking about business. Nasa iisang table sila ng kanyang asawa. Abala ito sa pagtungga ng wine habang siya naman ay nakamasid sa kanilang mga bisita.

Take Me (La Alquera Series #3)Where stories live. Discover now