Chapter 1

3.8K 143 3
                                    

"Kai nagugutom kaba?"

"Kai pawis kana"

"Kai magpalit ka ng damit-"

"KYUNGSOO, GET OUT HERE! HINDI KITA KAILANGAN DITO! ALIS! -" tugon ni Kai habang pinagtabuyan si D.O sa tabi nito. Pinupunasan niya lang si Kai ng pawis dahil katatapos lang nito mag basketball.

Wala nang nagawa si D.O kundi sundin ang kanyang bugnutin na boyfriend na si Kai. Sanay na siyang ganito ang pakikitungo ni Kai sa kanya, Maraming nagsasabi na nambabae daw si Kai ngunit hindi niya ito pinaniniwalaan dahil alam niyang mahal siya nito kahit papaano. tuwing Anniversary nila, Siya ang gumagawa ng mga efforts at sweet thoughts sa kanila ni Kai. Alam niyang busy ang kanyang boyfriend kaya naiintindihan niya kung bakit hindi ito nakakapag effort sa kanya. Minsan siya na nga lang ang nagcecelebrate mag isa ng kanilang anniversary dahil si Kai laging nasa bar. Nakikipaglampungan sa mga babaeng pokpok sa bar. Samantalang siya, hindi niya alam ang lahat ng iyon basta ang alam niya ay mahal na mahal niya si Kai.
Naputol lang ang kanyang pagmumuni muni nang biglang dumating ang kanyang best friend na si Luhan

"Hello beks! Uuwi na kami sabay kana samin ni Sehun." nakangiti na tugon ni Luhan

"Mauna na kayong dalawa ni Sehun, Aantayin ko pa si Kai." sagot naman ni D.O habang nakangiti ito

"D.O? Ayos ka lang ba? Parang hindi kasi maganda ang pakikitungo sayo ni Kai?" sabi ni Luhan habang lumapit na ito kay D.O at tinabihan ito

"Oo naman, Luhan. Ano kaba? Okay na okay lang ako atsaka mahal na mahal kaya ako ni Kai." ani D.O habang ngumiti pero peke lang

"Ganun ba? O siya una na kami ni Sehun, Ingat kayong dalawa."

Ngumiti na lamang si D.O bilang sagot.

"Kyungieeee!"

Napatingin ako sa aking paligid na makita ang giant friend kong yoda. Si Park Chanyeol tinawag niya ako kaya bumaba ako sa bleacher

"Yeol? Kamusta na?" masayang bati ni D.O

"Ayos lang naman ako kyung, Ikaw ba? Kamusta kayo ni idol kong si Kai?" tanong ni Chanyeol habang tinuro ang direksyon nila Kai sa bleacher

"Ah, ayos naman kami-

"Kilala kita, Kyungie. Alam ko kung may problema ka o wala, Wag kang mahiyang mag kuwento sa kin." nakangiti na tugon ni Chanyeol

"Salamat pala sayo, Chanyeol!" gumaan ang pakiramdam ni D.O dahil kahit papaano mayroon siyang kaibigan na masasandalan man sa oras ng kanyang pangangailangan.

Biglang tumunog ang cellphone ni D.O


From Kai:

Sige, landi pa tsk!



Pinatay ko agad yung phone ko at tumingin sa kinaroroonan ni Kai papunta siya sa direksyon namin ni Chanyeol

"Hey, idol! Whats up?" bati ni Chanyeol habang makikipag apir sana kaso hindi siya pinansin ni Kai at hindi siya kinibo bagkus hinila niya si D.O para umuwi na silang dalawa

[Sa Kotse]

"Ano yung nakita ko kanina, D.O?" tanong ni Kai kay D.O habang hindi tumitingin sa kanya. Diretso lang itong nakatingin at seryosong nagmamaneho

"Wala yun, Kai. Nag uusap lang kami dalawa at nakita ko lang siya tapos tinawag niya ako kaya kinausap niya ako at-

"Kinausap? Nag uusap lang ba talaga kayo halos laplapin kana nung lalaki na yun D.O! nagpupuyos nang galit si Kai habang sinuntok pa ang manibela ng kotse

"Idol ka daw niya e. Bakit parang nagseselos ka, Kai?" maamong tugon ni D.O kay Kai

Oo nagseselos ako D.O Fuck !

"Hindi no! Ako magseselos No way! Kahit magsama pa kayong dalawa kung gusto mo!" ismid na sabi ni Kai at tinuon ang atensyon sa pagmamaneho.


[Sa Bahay nila D.O]

"Get out of my car! Labas na!" sigaw ni Kai at pinalabas si D.O sa kotse

"Salamat, Kai-"

Hindi na natuloy ang sasabihin niya na humarurot na palayo ang kotse ni Kai. Hindi man lang nagpaalam sa kanya, Well .. Sanay kana D.O ! Wag kang magsisi ginusto mo to kaya kayanin mo hays.

Nakahiga na si D.O sa kanyang kama habang iniisip ang mga bagay na ginagawa sa kanya ni Kai. Hindi niya namamalayan na tumutulo na ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigil.


D.O kayanin mo! kaya mo to diba? Matapang ka eh. Ginusto mo to na ganyanin ka lang ni Kai. Mahal mo naman siya diba?







𝑯𝒊𝒔 𝑬𝒙-𝒃𝒐𝒚𝒇𝒊𝒆 𝑹𝒆𝒕𝒖𝒓𝒏𝒔 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon