Chapter 11

1.6K 71 2
                                    

Kyungsoo's POV

Isang linggo ng lumipas nung mga sinabi ko kay Jongin, hindi na din siya nagpaparamdam sakin. Maganda yun para wala nang negrong mang gugulo sakin.

Kung iniisip ninyo namimiss ko siya. Hindi never! Pero sabihin nga nating namimiss ko siya pero hindi ibig sabihin nun mahal ko na siya.

Pumunta ako sa kusina para magluto. Walang magawa eh.

"Dyo, may bisita ka". sabi ni Baek, parang nabuhayan ang loob ko alam ko na kung sino yun. Dali dali kong hinubad ang apron ko at pumunta sa salas

"Chanyeol?" mahinang tanong ko, fuck. Nasan si Jongina?

"Dissapointed?" nakangising tanong nya, ganun ba kahalata sa mukha ko yung iniisip ko. Napairap na lang ako atsaka umupo

Bakit hindi na siya nagpapakita?

"Busy si idol eh" biglang sabi ni Chanyeol, napakunot ako ng noo. Nababasa niya isip ko omyghad!

"Sabi mo kasi 'Bakit hindi na nagpapakita si idol' sinagot ko lang, eto nga pala pinapabigay niya. inabot niya sakin yung paper bag at kinuha ko naman

"Tsaka eto pakibigay kay Baek, galing sakin" nahihiyang sabi niya kaya napangisi ako.

"Dumadamoves ka sa pibsan ko ah". nakangising sambit ko, naka derp naman siya saka tumayo

"Aalis na ako ha, bye Kyungie! Sasabihin ko nalang kay idol Kai na namimiss mo siya" nakangising sabi niya kaya nag dirty finger ako sa kanya.

Sinipa ko siya sa pwet saka tinulak palabas.

**

Niyaya akong mag mall ni Baek, wala si Luhan eh may ginagawa sila ni Sehun. Landi talaga ng usang yun :3

Habang nag iikot ikot kami sa mall bigla akong siniko ni Baek, nabatukan ko nga ang sakit eh

"Dyo, di ba yun yung father of charcoal? May kasamang iba oh!" automatic na napalingon ako sa tinuro ni Baek.

"Oh? ano namang gagawin ko? Tara na nga magbayad na tayo sa cashier" iritableng sambit ko at hinila siya sa lugar na yun

Kaya naman pala hindi nagpaparamdam ang negro! May kalandian palang iba. Tsk! Bakit ba ako naiinis?

"Napag hahalataan ka, Dyo!" nakangising sabi ni Baek, inirapan ko lang sya

"Kung mahal mo kunin mo, hindi yung nag iinarte ka diyan na kesyo ayaw mong makuha ng iba. Mahal mo naman siya eh. Yung pride mo kasi inuuna mo saka gusto mong maramdaman niya yung naramdaman mo noon kaya gumaganti ka." seryosong sabi nya, umiwas lang ako ng tingin.

"Hindi ko na siya mahal". simpleng saad ko, tumawa sya ng sarkastiko

"Really? kaya pala halos patayin mo na sa tingin yung babae kanina, Pansin ko lang simula nung di na siya nagpaparamdam sayo lagi mong hawak yung phone mo tapos lagi kang nasa salas. Kapag may nag door bell naman para kang kabayo makatakbo papuntang pinto. Ngayon Dyo, Ano yun? Namimiss mo na diba?" nakangising sabi niya

"Namimiss ko lang pero di ibig sabihin mahal ko na siya"

"Namimiss mo yung presensya niya kasi mahal mo pa, dinedeny mo lang sa sarili mo dahil gusto mong ipakita sa kanya na malakas kana at nagbago kana. Ayaw mong tanggapin sa sarili mo na natalo ka." taas kilay niyang sabi

"Walang patutunguhan to Baek, tara na umuwi" sabi ko na lang at tatayo na sana ako na pigilan niya ako

"Gusto ko sayo mismo mang galing ang sagot Dyo, Mahal mo paba siya?" seryosong tanong ni Baek.

"Hindi ko alam, natatakot ako" pag amin ko, napabuntong hininga siya

"Natatakot kang masaktan ulit? Lahat ng nagmamahal nasasaktan. Madami ng pabebe sa mundo tapos dadagdagan mo pa. Bigyan mo siya ng isa pang pagkakataon. Malay mo nagkamali lang siya sa una tapos bumawi siya sayo ngayon. tas mauso yung mpreg!" natatawang sabi niya binatukan ko na lang siya

Humiga ako sa kama at napaisip ako sa sinabi ni Baek kanina. Paano kung saktan nanaman ako nung negro na yun? Paano kung pustahan nanaman tapos kapalit bahay at lupa. Jusko naman Dyo!

"Hoy baklang kuwago! Kakain na!" rinig kong sigaw ni Baek mula sa labas ng kwarto ko.

"Oo na, hayop ka!" sigaw ko saka inayos ang sarili ko, narinig ko ang pagtawa niya.

Nakakaawa yung ulam kay Baek. Sunog yung chicken joy tapos yung kanin pwedeng lagyan ng luya

"Baek, yung totoo? Kanin ba to o lugaw?" natatawang tanong ko, sinamaan niya lang ako ng tingin

"Kainin mo na lang! Grasya din yan!" naiinis na sambit niya, napangisi ako. Pikong bakla

Matapos kainin yung masarap na luto ni Baek, hinugasan ko yung plato pagkatapos nagtungo ako sa kwarto para kunin yung pinapabigay ni Yeol kay Baek.

"Pinabibigay ni Yeol" kinuha naman niya yung paper bag tas namula. Puta! pabebeng bakla. Binuksan niya ang laman at ito ay kwintas na letter " C " hahaha! pumapag ebeg si higante.

kinabukasan ...

Naglinis ako ng kwarto ko at kwarto ni Baek dahil marumi at marami ng alikabok. Tinapon ko ang basura sa labas nang may biglang may nag door bell. Pagkabukas ko ng gate laking gulat ko na lang si Jongin ang bumungad sakin.

"I miss you Soo" nakangiting sabi niya

Kai! I miss you too huhuhu !

𝑯𝒊𝒔 𝑬𝒙-𝒃𝒐𝒚𝒇𝒊𝒆 𝑹𝒆𝒕𝒖𝒓𝒏𝒔 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Where stories live. Discover now