Chapter 5

2.5K 122 10
                                    

[Airport]

Kinabukasan, Nagpasya nang umalis si D.O papuntang America para doon na din makapagsimula ng panibagong buhay at para makapag tapos ng pag aaral. Pinuntahan niya na din ang mga kaibigan niyang sila Luhan at nagpaalam na siya sa mga ito. Nasa airport na sila ng mga oras na iyon.

"D.O, huhu! Mamimiss ka naming kwago ka, Pakabaet ka doon ah?-

"Luhan, umayos ka nga hindi pa naman ako mamamatay diba?" mataray na sagot ni D.O

"Joke lang beks to naman! baka naman magkaroon pa tayo ng alitan aalis ka na nga lang hahaha! Mamimiss kita, D.O" tugon ni Luhan habang naiiyak iyak pa kunyari dahilan para batukan siya ng boyfriend nitong si Sehun

"Ang drama mo naman, Babe. Ikaw ba yung aalith?" pilosopong sagot ni Bakat este ni Thehun bulol na kinatampo naman ni Luhan

"Hindi no? Syempre mamimiss ko lang yung best friend kong kwago! Mamimiss ko luto nito hays-"

"Drama mo Luhan, ikaw nalang kaya umalis HAHAHA!" nakaderp na asar ni Chanyeol

"Beks? Bumalik ka dito ah? baka naman di ka bumalik alam mo naman mawawalan kami ng best friend na kwago. Wala na tuloy kwago dito" singit ni Kris habang nagpout pa ito

"Kris? wag kang mag pout hindi bagay sayo!" asar ni D.O habang nag peace sign pa ito

Lumapit naman si Chanyeol kay D.O at niyakap siya nito. Pinisil pa ni Chanyeol ang mga pisngi ni D.O

"Mamimiss kitang, Kwago ka! Basta babalik ka ha? Lagi kang mag chat samin ha? atsaka mag skype para makita ka namin kung ayos ka doon" naluluhang sagot ni Chanyeol habang di pa din inaalis ang yakap niya kay D.O

"Guys group hug naman diyan woooooo!" sigaw ni Luhan at nag group hug na nga sila hihi

Nagmadali nang umalis si D.O dahil baka mahuli pa siya sa kanyang flight bago siya umalis ay may sinabi pa ang mga kaibigan niya

"D.O, pathalubong ha? Wag mong kakalimutan. Wag kang uuwi dito nang walang pathalubong" sigaw ni Thehun kaya pinagtinginan tuloy siya ng mga tao doon
bulol ka kathi Thehun~

"D.O size 12 ha?" nakangiting sigaw din ni Chanyeol

Bago tumalikod ay nag goodbye kiss pa si D.O sa kanilang lahat.









[Sa School]

Kasama ni Kai ang mga tropa niya habang gumagala ang mga ito. Wala silang teacher kaya gumala nalang sila dahil nakakaburyong daw sa loob ng classroom nila, Para na din daw makahanap ng mga magaganda't sexy na chiks dito sa campus nila. Pasimuno ni Taemin, isa sa mga tropa ni Kai.

Umupo muna sila sa court at nagpalipas ng oras. Napansin ni Kai na papalapit si Chanyeol sa kinaroroonan nila kaya hindi siya nagpahalatang nakatingin siya dito at kunyari hindi niya ito nakita.

Si Chanyeol ang unang bumati

"Idol? balita natin ngayon?" nakangiti na bati ni Chanyeol habang nakipag fist to fist pa ito kay Kai

Actually may plano talaga si Chanyeol:




~flashback~

"Hindi kaya delikado yang gagawin mo, Yeol?" tanong ni Luhan habang nakikinig sa plano daw na gagawin ni Chanyeol kay Kai. Ano kaya yun?

"Paanong delikado? Magtiwala ka lang, Luhan". nakangisi na sagot ni Chanyeol habang naka de quatro pa ito sa kanilang sofa

"Paano kung bugbugin ka nila? Ayaw mo naman kami isama nila Sehun para rumesbak kung sakaling mabugbog ka nga. Marami sila Kai isa ka lang Chanyeol". nag aalalang sagot ni Luhan sa kanyang best friend

"Wag kang mag alala, Luhan. Mag uusap lang naman kaming dalawa atsaka mas matangkad ako sa Kai na yun. Papangunahan ko na agad siya sa guidance". sarkastikong sagot naman ni Chanyeol

"Basta mag iingat ka Chanyeol, Mukhang nakakatakot yung Kai na yun. Parang nangbabasag ng bungo ang datingan nun e." ani Luhan habang kinuha ang bubble tea na nasa tabi niya at ininom ito.

"Luhan? Gusto ko lang ipaghiganti si D.O sa ginawa nung ugok na yun sa kanya. Mahal natin si D.O alam mo naman siguro yun. Gusto ko lang din naman ibato sa kanya yung mga ginawa niyang kahayupan kay D.O". Seryosong sagot ni Chanyeol.

"Bahala ka, basta mag iingat ka Chanyeol. Nandito lang kami palagi kapag kailangan mo". ani Luhan habang nag fist to fist pa silang dalawa ni Chanyeol at ngumiti sa isa't isa.

Napangisi tuloy si Chanyeol habang iniisip ang plano na gagawin niya ngayon. Napakunot noo tuloy si Kai sa inasal niya

"Ang saya mo yata ngayon, Chanyeol?" ani Kai habang nakataas pa ang isa nitong kilay na animo'y nang aasar

"A..h hindi ah-

Magsasalita pa sana si Chanyeol nang bigla siyang pangunahan ni Kai

"Nasan nga pala si D.O? himala hindi mo siya kasama ngayon?" tanong ni Kai kay Chanyeol habang nilagay pa nito ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon nito


















So, ayun pabitin muna ako hahaha !
sa next chapter ninyo malalaman ang magiging reaksyon ni Kai !

Magiging masaya kaya siya? o Magiging malungkot?

Well ... Next chapter po HAHAHA !


Salamat po pala sa mga nagbabasa na nitong TEBR. Hindi ko po akalain na may magbabasa nitong story na to hahaha. God bless po sa inyong lahat~




VOTE AND COMMENT PO!

Palimos lang po hahaha.
Selemet po~

𝑯𝒊𝒔 𝑬𝒙-𝒃𝒐𝒚𝒇𝒊𝒆 𝑹𝒆𝒕𝒖𝒓𝒏𝒔 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon