Chapter 8

2.3K 95 0
                                    

"Ano nga kasi yung nangyari?" pangungulit ni Luhan sakin. Nandito siya sa bahay ko at limang araw na pala lumipas nung makita ko ang negrong yun. Tsk!

"Nagkamustahan lang naman kami, the end" walang ganang sabi ko para tumigil na siya at nagkibit balikat, napabuga naman siya sa hangin.

Yun lang naman talaga ang nangyari, Alangang daldalin ko pa yun ugok na yun. Ano yun feeling close lang ako ganun? Parang walang nangyari lang? Tsk. Konting isip Luhan

"Yun lang ba talaga? Maniniwala naba ako sayo?" makahulugan na tanong niya (Kulit neto! Gusto siguro ma chop chop)

"Okay fine! Nag sorry siya at sinabi niya na mahal nya ako" walang ganang sagot ko ulit. Ako maloloko niya? Di na! Manigas siya diyan kapal ng mukha Psh!

"Wow! talagang may pa eksena pa talaga kayo sa grocery ganun?" Di makapaniwalang tanong nya nagkibit balikat lang ako at tinuon ang sarili ko sa harap ng tv. Tumahimik kaming dalawa. bigla siyang nagsalita

"Pero alam mo D.O, Pansin ko nga din sa kanya nagbago na siya. Hindi na sya katulad ng dati na tarantado. Habang wala ka hindi na siya nang babae at lagi siyang nakatambay sa labas ng bahay nyo, hinihintay ka niya na bumalik". Seryosong sabi niya kaya napatingin ako sa kanya, umiwas lang ako ng tingin.

"Luhan? Wala na akong pake kung mahal niya ako o hindi. Sinaktan niya ako at yun na lang ang tumatak sa isip at puso ko". mariing pagkakasabi ko saka dumiretso sa kusina. Hindi ko alam na nakasunod pala sakin si Luhan.

"Tapang naman ng Baby Soo ko! Ang tanong. Kaya mo ba siyang tiisin? Kaya mo bang panindigan yan?" tanong ulit niya. Kumuha ako ng tubig sa ref saka basong pag iinuman ko, sinara ko ang pinto ng ref saka seryoso siyang tinignan.

"Oo naman kung yun lang ang paraan para masaktan siya katulad ko. dahil ngayon paghihiganti na lang ang alam kong gawin para sa kanya" malamig na tugon ko at nilampasan ko siya

"Ibang iba kana D.O Kyungsoo" napangiti ako sa sinabi niya, na realize ko na nakamove na pala siya. Napapailing na lang siya.

Lay's POV

"Tangina. Ang gwapo niya pre, Miss ko na ang lalaking yun!" pag kukuwento ni Kai napailing na lang ako

"Oo! at tangina mo limang araw ng lumipas yun at yan pa rin ang sinasabi mo!" nambwibwisit na sambit ko. Napasimangot naman siya.

"Di mo kasi nararanasan mainlove" nakasimangot na sabi niya

"Wala akong balak sumunod sa yapak mo! Bakla!" tukso ko sa kanya

"Talaga lang ha? Kahit bumalik pa si Kris?" nakangising tanong niya kaya napatigil ako

"Tangina mo! Gago! Pakyu!" malutong na mura ko at nag dirty finger sa kanya. humagalpak naman ng tawa ang gago

"Mag move on kana dun! May Tao na yun! Maghanap ka nalang ng iba mong bebechot." seryosong sabi niya

"Hindi madali yun, Kahit na sabihin mong maghahanap at mag hahanap ka ng iba nakakalimutan mo na yun kapag nasa harap mo na siya" seryoso ding sabi ko.

"Tungnu. Lakas makahugot!" natatawang sabi niya kaya napatawa na din ako.

**

(Kyungsoo's POV),

"HOY SOO! BUMANGON KA NGA DIYAN MAY NAGHAHANAP SAYO SA BABA!" sigaw ni Baek kaya napatayo ako, agang aga pa eh! puta.

"Sino ba yun?" inis kong tanong

"Aba! Ewan ko! Basta maitim, tas kulay itim o brown ang balat tas parang siya yung tatay ng mga uling at--" paglalarawan niya. hindi ko na siya pinatapos bagkus ay nagmamadali akong bumangon

"Lumayas ka na nga!" natatawang sabi ko kay Baek


"K. fineee!" nakasimangot niyang sabi at umalis na

Pumunta ako ng baba at nakita kong nakaupo si Kai, napatayo siya nang makita ako.

"Good morning D.O" sabi niya sabay abot ng bulaklak at tsokolate

"Morning" bati ko saka ngumiti ng peke

"Nagising ba kita?" nahihiyang tanong niya.

"Ah, hindi naman" sagot ko at umupo

"Ano bang gusto mo kape, juice, tubig? alcohol, lason, gusto kong idagdag pero wag muna.

"Ah ... hin..di na... aalis na din ako, binisita lang naman kita" sabi niya at ngumiti, kung dati nakakainlove yung ngiti niya ngayon nakakasuka na.

Nagpaalam na siya at umalis na napatingin naman ako sa bulaklak at tsokolateng hawak ko, tinapon ko sa basurahan yung bulaklak pagpasok ko sa loob nakasalubong ko si Baek

"Wow! Chocolate! Akin na lang" nangniningning na sabi niya, binigay ko na lang sa kanya dahil wala akong balak na kainin yun. galing sa kaaway yun. Malay mo may potion pa diba?



Welcome to hell, Kim Jongin. humanda ka dahil simula pa lang to hihihi ! *satansoo mode




𝑯𝒊𝒔 𝑬𝒙-𝒃𝒐𝒚𝒇𝒊𝒆 𝑹𝒆𝒕𝒖𝒓𝒏𝒔 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Where stories live. Discover now