Episode 8

204K 7.4K 4K
                                    


Episode 8

Rogue's POV


ANYARE?


I am losing a clear vision. Everything became glassy. I still could stand on my own, but what the hell just happened? Matapos humapdi ng leeg ko ay tila ba bigla na lang akong nahilo. Nang kapain ko ito ay may nasalat akong parang tinik na nakatusok dito.


And all of a sudden, napaluhod ako at nabuwal sa pagkakatayo. Namanhid ang mga tuhod ko at bigla akong pinagpawisan nang malapot. I couldn't feel any pain, but all are becoming dim and indistinct.


I saw Jane and she was saying something. I couldn't hear her. She was crying.


We have to move. Baka maabutan kami ni Durat at ng mga Dinarandado. Pero paano kami tatakbo? I couldn't even move my arms to protect her. I got no strength.


Fuck! I got to save her!


Pagkatapos niyon ay hindi ko na alam ang nangyari.


I couldn't move because I felt so weak. Pakiramdam ko ay napakainit ng katawan ko. Naliligo ako sa sarili kong pawis.


I found myself in a cave again. How did I manage myself to get in here? Siguro si Jane ang bumitbit sa akin dito. Pero paano niya ako nabuhat? I'm big... and gorgeous.


Paano niya ako kinaya?


Sinubukan kong bumangon, pero hindi ko kaya. Parang ang bigat ng ulo ko at hinihila ako pabalik sa aking pagkakahiga.


Damn it! Ano ba talagang nangyayari sa'kin?


Kinapa ko ang aking leeg. That thorn was not in here anymore. Pero nasasalat ko ang maliit na sugat sa aking balat. Mahapdi ito.


I briefly shut and opened my eyes. My vision was still foggy.


Isang nilalang ang sumulpot mula sa aking harapan. She had a curly long white hair, and she was skinny. And since nanlalabo ang paningin ko, hindi ko siya maaninagan.


Mamamatay na ba ko? Siya na ba si Kamatayan na tagasundo?


Lumapit siya sa akin. Mukha siyang puyat na unggoy. Ilang droga kaya ang hinithit niya at ganito kahupyak ang mukha niya?


Iyong nguso niya ay halos kayakap na ang kanyang ilong. Iyong balat niya ay parang tuyot na talong.


Seriously? Sa islang ito, pati ba naman si Kamatayan mukhang tinarantado?


"May masakit ba sa'yo, Bathala?" nagsalita siya. Boses bobo siya.


Gusto kong gumapang palayo sa kanya, pero hindi ko kaya. Nanghihina ako at walang lakas.


The God Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon