Episode 21

134K 4K 1.6K
                                    

Episode 21

"BATHALA?"


I woke up from a deep slumber. The breeze was cool, and the waves were crashing on the shore. Where exactly was I? I was taken aback by what I saw around me.



Isla Potanes...


Is this real? Nasa isla ako? Dito mismo sa buhanginan kung saan ako kanina nakahiga. Naririto na ba ako ulit? Ano bang nangyari? Ang alam ko lang, pinipilit kong mahanap ang lugar na ito para makabalik ako. Halos baliktarin ko ang buong Pilipinas mahanap lang ang isla na ito.


"Bathala!" muli ay ang inosente at malamyos na boses.


Bumalikwas ako ng tayo mula sa aking pagkakaupo. Medyo malabo ang malalayong tanawin pero nakikita ko na may paparating. Siya iyong may ari ng boses na kilala ko... iyong tumatawag sa akin...


"Bathala, ikaw ba yan?" A silhouette of a woman appeared in front of me.


Nanlaki ang mga mata ko. "J-Jane?" Halos marinig ko ang malakas na tibok ng aking puso. Sabi ko na, kilala ko siya!


"Bathala." Jane smiled at me. Lumapit siya sa akin at tiningala ako. "Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala!"


Naestatwa ako. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.


"Bathala?" Ang maamo niyang mukha ay kababakasan ng pagtataka.


Nananaginip ba ako? Kulang na lang ay sampalin ko ang aking sarili. I just couldn't believe that I am seeing her right now. "I-ikaw ba talaga yan, Jane?"


Pumaling nang bahagya ang kanyang ulo. "Ako ito, Bathala." She pouted her pinkish lips. "Ayos ka lang ba?"


Napapikit ako at muling napahilot sa aking sentido. "Nothing. Nanaginip kasi ako nang masama." Ang totoo ay hindi ko na alam kung alin ba ang panaginip at ang hindi. Ito bang nangyayari ngayon o iyong nagising ako mula sa coma.


Sinilip ni Jane ang mukha ko. "Anong napanaginipan mo?"


Hindi ko magawang tumugon sa tanong niya. Is this for real? Is she for real?


"You're real, right?" usal ko.


"Ha?"


"Y-you a-are real." Damn me for stuttering.


Kumiling ang kanyang ulo "Bathala, anong problema–"


Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang kabigin ko siya palapit sa akin. Napakahigpit ko siyang niyakap. I can't believe she's real!


"U-umiiyak ka ba–"


"I-I missed you." Lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Sininghot ko ang bango ng kanyang buhok. I missed her smell. Her warmth.


"Bathala, ayos ka lang ba?"


Kumalas ako sa kanya nang bahagya upang pagmasdan ang kanyang mukha. Totoo siya. Totoo siya... Hindi pa rin ako makapaniwala!


"Nag-aalala na ako. Ano bang nangyayari?" Malamlam ang kanyang mga mata nang ngumiti sa akin.


Umiling ako. "W-wala. Nanabik lang ako sa'yo." Hinawi ko ang ilang hibla ng kanyang buhok na magulo.


Pinigil niya ang ngiti sa kanyang mga labi. "Talaga?" She made a face. "Ano nga iyong napanaginipan mo?" pag-iiba niya ng usapan.


Napayuko ako. "Nagkahiwalay raw tayo sa karagatan dahil sa isang bagyo." Nagdilim ang aking mukha.


The God Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon