Episode 9

211K 7.1K 4.3K
                                    


EPISODE 9


Rogue's POV


Bathala?


Siya ang totoong Bathala ng islang ito?!


Siya ang totoong Bathala ng islang ito?! I tried to push him, but he was too strong. He was on top of me, at kapag nanatili ang ganitong posisyon namin ay hindi ako makakawala sa kanya. This guy had the same body as me, same height, and we got the same strength.

 

Matapang siya, matapang din ako. Magandang lalaki siya, pero mas pogi ako. Marungis siya, at malinis naman ako.


See? I'm still better than him.


I tried to push him harder kaya naiangat ko siya nang bahagya. Kaya nga lang, nang maibabaligtad ko na siya ay bigla naman siyang umikot at hinuli ang aking braso. Inipit niya ang katawan ko gamit ang kanyang mga hita, at saka niya hinila ang braso ko.


Lumapit sa akin si Jane. "B-Bathala, ayos ka lang ba?" Bakas sa mukha niya ang takot.


"A-ayos lang naman. B-baka lang naman putulin niya ang braso ko, kaya ko pa naman." Pero naliligo na ako sa sarili kong pawis. Balak yata ng lalaking ito na baliin ang aking mga buto. Dehado ako sa posisyon namin because I was caught off guard.


Humarap si Jane sa lalaki. "M-maaari bang itigil mo na 'yan?"


Saka lang kumalas sa akin ang lalaki.


Seriously? Ganun kadali?!


Tumayo ako mula sa pagkakahiga at hinilot ang sariling braso. Ang sakit pa rin, pero naigagalaw ko naman. Kung hindi pa siya inawat ni Jane ay baka binali niya ang buto ko sa braso.


And it seemed na sumusunod ang lalaking ito kay Jane. Why?!


"M-may masakit ba, Bathala?" Hinimas ni Jane ang braso ko.


Kandarapa namang lumapit si Jamod sa lalaking may asul na mga mata. "May masakit ba sa'yo, hijo?"


Peste talaga ang matandang ito! Sana pala tinuluyan ko na ito kanina!


"Sino ang lalaking 'yan?" tanong ko kay Jane.


"Hindi ko rin alam, Bathala. Subalit may usap-usapan na noon ang mga katribo ko na may itinatagong bathala ang tribong Dinarandado. Hindi ko akalain na totoo pala. Ang alam kasi namin ay kuru-kuro lang iyon."


I see. So it's possible na matagal na ang lalaking ito dito sa isla.


Pero bakit siya may tattoo ng red note? Sigurado ako sa tattoo na yun na nasa leeg niya – miyembro siya ng Red Note Society. Frat na kalaban ng frat ko.

The God Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon