Episode 11

206K 6.7K 4.1K
                                    

EPISODE 11


Rogue's POV:


"Kaming dalawa ni Durat... ang nagpalaki kay Panther Foresteir," Jamod said.


I narrowed my eyes at her. There was sadness on her face.


She threw her eyes somewhere. Napabuga siya ng hangin na para bang sinasariwa ang nakaraan. Lalo tuloy siyang nagmukhang puyat na unggoy.


"N-nang mamatay si Pearl Foresteir – ang ina ni Panther, kami ni Durat ang nag-alaga sa kanya," kwento niya. "Kami ang tumayong mga magulang niya."


Seriously? Kaya pala lumaking baliw ang tarantadong 'yon.


"Kahit pa naman noon, kami na ang nasa tabi niya. Hindi naman kasi malapit si Madam Pearl sa anak niya. M-mula pa lang ng ipanganak si Panther, kami na ang humalili bilang pangalawang ina niya. Sanggol pa lang siya, kami na ang nag-aruga sa kanya. Sanggol pa lang siya, ako na ang nagpaatahan sa kanya, naglilinis sa kanya, nagpapa-dede sa kanya."


I raised an eye brow. That's impossible. Eh mas mukha pa ngang dede yung ilalim ng mata niya kesa sa dibdib niya.


"S-sanggol pa lang siya, ako na ang kanyang ina." Pumiyok siya. "Napamahal na kami sa kanya. Itinuring niya kaming parang tunay na ina. Isang ina na mapagmahal. Isang natatanging ina! Isang ina talaga! Ina!"


Napayuko siya. Nagdilim ang kakarampot niyang mukha. "P-pero nagbago siya matapos mamatay si Madam Pearl. Parang hindi na siya ang inalagaan naming si Panther. Parang... hindi na namin siya kilala." Her tears ran down.


Nagduyan ang mga luha niya sa kanyang eye bags.


"H-hindi ko alam kung bakit galit siya sa lahat. Galit siya sa amin. Galit siya sa mundo."


Nahanginan ang luha niya at natuyo kaya naging muta agad.


"A-ano ba ang kasalanan namin sa kanya? Hindi ko alam kung bakit niya kami ipinatapon sa islang ito." Napahagulhol siya. Talsikan yung sipon niya mula sa kanyang ilong.


"How about Jane? Ipinatapon niya rin ba si Jane sa islang ito?" I asked her.


Umiling siya. "P-palihim naming binitbit si Jane sa islang ito. Natakot kami ni Durat na baka kung ano ang gawin ni Panther sa kapatid niya."


"Si Lion? Iniwan niyo si Lion Foresteir?"


Napangiwi siya. Nagkorteng luya tuloy ang mukha niya.


"Spoiled brat ang batang yun kaya iniwan na namin. Isa pa, sanggol pa si Jane nang kunin namin kaya wala siyang malay nang bitbititn namin siya."


So ang pagkakaalam ni Lion Foresteir, my friend and a member of Black Omega Society, ay si Panther ang may kasalanan kaya nawala ang kapatid nila. And that would be the reason why he's mad at his big bro. Pero ang totoo, kasalanan pala ng dalawang gunggong na ito.

The God Has FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon