Chapter 1

90 1 0
                                    

Cassie's POV

Eto ako naglalakad papasok ng eskwelahan. Ilang months narin since nag-start ang pasukan at August na ngayon. I'm on my senior year in High school and I'm the student council Vice President.

Pagdating ko naman sa classroom ay agad sumalubong sakin ang pinakamatalik kong kaibigan na si Kamille.

"Bespreeeen!" Oh diba? Taas ng energy niya sa umagang-umaga palang.

Grade 2 palang ay magkaibigan na kami. Pinagtanggol ko kasi siya laban sa mga mapang-api naming kaklase nung panahon na yun.

"Oh, naka-ilang Energo ka ngayong umaga? Taas ng energy ha."

Nilagay ko naman yung mga gamit ko sa upuan ko bago ko siya nilapitan sa sulok ng classroom. Tumayo naman ako sa harap niya habang nakahalukipkip at pinapanood siya sa pagdo-drawing.

"Ito naman, 'di na nasanay sakin. Ilang taon na ba tayo magkaibigan, ha?" Aysus, dinaan pa ko sa pagda-drama.

"Eh kung sabihin ko sayong nandyan si Sky?" Nagkibit-balikat lang siya sakin at seryoso parin sa ginagawa. Si Sky ang nag-iisang manliligaw niya.

"Umagang-umaga kaya 'wag mo ko pagtripan ng ganyan. Kita mong tinatapos ko 'tong art assignment ko."

Napa-iling naman ako sa kanya. Nagpuyat nanaman siguro sila ni Skyler kagabi kakausap sa telepono.

"Osige, hindi ka maniniwala sakin?"

"Nope. Hindi."

Tinalikuran ko naman siya at humarap sa front door.

"Sky, busy si Kams sa drawing niya mamaya nalang daw kayo mag-usap."

"Huh?" Napatingin naman siya nun sa front door ng classroom namin.

"Balik nalang ako mamaya?" Sagot ni Sky sakin ng nakangiti. Alam na niya agad na pinagti-tripan ko si Kamille.

"No! Wait!" Sabay tayo agad niya at bulong sakin, "Sira ka talaga! Bat 'di mo sinabi na nandyan si Sky?" Sabay takbo niya sa front door dala ang drawing niya.

"Anong hindi? Ikaw 'tong ayaw maniwala sakin." Sabi ko sa kanya habang naglalakad pabalik sa upuan ko.

"See you later, beshylabs!" Sabi nalang niya sabay hila kay Sky.

Hay nako, Kamille Maureen. Ewan ko sa'yo. Kinuha ko nalang ang planner ko para i-check ang mga kailangan kong gawin sa mga susunod na araw.

Lumipas naman ng mabilis ang oras. Trigo naman na at ito ang last period namin ngayon araw. Eto namang katabi ko sa kanan ay ang sarap ng tulog. Siya pa naman 'tong malapit sa bintana. 'Di na siya pinupuna ng mga teachers kasi nasanay na sila sa kanya. Infairness naman din sa kanya, matataas ang mga grades niya kahit ganyan siya. Paano? Hindi ko rin alam. Sayang nga at hindi siya makapasok sa honor rolls dahil sa conduct niya.

Lagi nalang siyang ganyan. Ewan ko ba at bakit kailangan ay alphabetical ang seating arrangement namin kaya tuloy kami ang magkatabi. Ilang buwan ko narin siyang pinagtitiisan at mukhang aandar pagiging student council ko sa ginagawa niya.

Nang tumunog ang bell, hudyat ng pagtatapos ng klase, ay saka lang niya inangat ang ulo niya at gumising. Hinarap ko naman siya at tinitigan pagka-alis ng teacher namin.

"Hoy Mr. Alexander Josh Castañeda, buti naman at naisipan mo pang gumising sa pagkakatulog mo?" Tinignan lang niya ko nun at nag-unat pa. Nang-iinis ba talaga siya?

"Bakit, hindi ba ay dismissal na? Hindi ba ako pwedeng umuwi, Ms. Vice President?" Tinaasan naman niya ako ng kilay. Hindi pwedeng hindi kami mag-tarayan ng isang 'to kapag nag-uusap.

Complicated LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang