Chapter 2

27 0 0
                                    



Cassie's POV

Kinabukasan, ganun parin ang mga pangyayari. Kasing taas parin ng kahapon ang energy ni Kamille kahit umagang-umaga palang. Pero infairness this time, naniwala na siya sakin na nasa may front door namin si Sky ng subukan ko siyang lokohin ulit.

"Cassie, halika! Dali!" Sigaw ni Kamille sakin mula sa kinauupuan ko sa classroom.

Lunch break na namin ngayon pero tumambay muna kami sa classroom namin at hinihintay humupa ang pila sa sa mga bilihan ng pagkain sa canteen.

Tinanggal ko ang isang earpiece sa tenga ko at tinignan si Kamille. Kumaway naman siya sakin na parang sinasabing lumapit ako sa kanya. Tumayo naman ako at naglakad na sa kinatatayuan niya sa front door ng classroom namin.

"Oh bakit? Nagugutom ka na?" Salubong ko sa kanya. Napansin ko naman na nandun pala si Sky sa gilid at kausap pala niya. "Oh Skyler, nandyan ka pala? Hindi kita napansin eh."

"Bakit? Hindi ba ako kapansin-pansin?" tanong niya ng naka-simangot at nagpapa-cute sakin. Ew!

"Hindi." nag-peace sign ako kay Sky at binalik ang tingin ko kay Kamille. "Oh, bakit mo pala ako tinawag, Kam?"

"May nabalitaan kasi ako" Eto talaga basta chismis ang galing eh.

"Oh? Anong chismis nanaman ba yang nasagap mo? At galing pa kay Skyler Raine."

"Eh ano kung galing kay Skyler? Part naman siya ng school paper so dapat lang na malakas siya sa balita, hindi ba?" Sabay halukipkip niya at taas ng kilay sa akin.

"Oh ano nga? Ikaw Skyler ah. Nahahawa ka na sa pagiging chismosa neto. So ano na nga?"

"Ang dami mo pang sinasatsat ke-chismosa ako at kung anu-ano pa pero atat na atat ka naman malaman." Umirap naman ako sa kanya.

"Edi wag na. Babalik nalang ako sa pakikinig ng music dun sa lu---" Tumalikod nako sa kanya nun para bumalik sa upuan ko pero bigla niyang hinila ako braso ko pabalik.

"Tampururot naman yung drama mo ngayon? Naku!" Humalukipkip ako at inirapan siya.

"Dami pa kasing arte magsasabi ka lang ng balita sakin." Ayan ah. Balita na yung sinabi ko hindi na "chismis".

"Yung frat nina AJ, nanresbak nanaman ng isang frat sa isang school."

What's new? Weekly naman ata nakaka-apat o higit pa sila ng gulong sinasalihan eh. Lahat nalang ata sinasalihan nila kahit hindi naman dapat. Tss.

"Eh what's new? Aling school naman ngayon? Yung sa malapit dyan?" sabay tango ko sa direksiyon ng malapit na school samin.

"Oo, grabe. Pinuruhan daw nila yung frat ng kabilang school lalo na yung leader nila. Naku! May possibility nga raw na magka-part 2 yun dahil sa sobrang intense." Detailed na detailed ah? Ibang klase sumagap ng chismis mga to.

Huh. Kaya naman pala hindi pumasok ang mokong ngayong araw. Akala ko nagtatago lang kung saan yun dito sa campus.

"Ayos ah? Alam na alam buong kwento. Oh atleast ngayon alam na natin kung bakit absent ang katabi ko, diba?" Sana pinuruhan din. May pa-frat frat pa kasing nalalaman.

"Sabagay. Pero kahit galing ng resbakan yang si AJ pumapasok parin siya. Eh bakit kaya ngayon hindi?"

Aba, oo nga? Baka tama ako at napuruhan siya. Tsk, ang bilis ng karma. Tinulugan kasi yung Trigo eh.

"Wala akong care. Hindi ako part ng care bear clan, ok?"

Tinaasan naman ako ng kilay ni Kamille. "May sinasabi ba kong ganun? Wala naman eh. Wala, wala, wala!"

Complicated LoveWhere stories live. Discover now