Chapter 5

19 0 0
                                    



Cassie's POV

Kinabukasan ay di ako ganun kaaga pumasok. Halos 7am narin ako nakarating ng school. Nang marating ko ang floor ng classroom namin ay nakita ko agad si Kamille na nasa corridors at nakahilig sa railings habang nakatingin sa may field.

"Wow, lalim ah?" Sabi ko pagtabi ko sa kanya.

Tinaasan naman agad niya ako ng kilay at nakapamewang na humarap sakin.

"There's something you need to tell me."

"About what?" Kunot-noo kong tanong. Ang bilis naman ng balita?

"What happened to you last night? You didn't even text me when you got home."

"Well. Kamille.. ano kasi eh.." Tinaasan naman niya ko ng kilay at humalukipkip.

"What is it? Tell me."

She's my bestfriend and I know I'm supposed to tell her right away. Pero sa sobrang pagod ko sa pagiyak kahapon at baka narin sa takot ay agad akong nakatulog pagkatapos kong maligo. Bigla naman nag-ring ang bell nun.

"I'll tell you later, okay? Lunch break. Promise." Pangako ko sa kanya.

Hinila ko naman siya papasok ng classroom bago pa siya makapag-salita. Natigilan naman ako ng makita si AJ na nakayuko sa desk ng upuan niya.

"Shock din ako, beshylabs." Bulong ni Kamille sakin ng mapansin ang pagkagulat ko.

"Anong klaseng espiritu ang sumanib sa kanya today?" Pabulong ko rin sagot sa kanya.

"Yeah, palaisipan din yan sa lahat. Don' worry, di ka nag-iisa. Sige, I'll go back to my seat."

Tumango ako sa kanya at naglakad narin ako papunta sa lugar ko. Agad namang inangat ni AJ ang ulo niya ng maramdaman ang pag upo ko sa tabi niya.

"Good Morning, Ms. Vice President!" bati ni AJ sakin.

Muntik nakong masamid sa pag bati niya sakin. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya at bigla niya akong ngnitian. Nahanginan ba siya or something?

"Morning." Gulat kong sagot sa kanya.

Nag-bell na ulit nun kaya natahimik na siya sa tabi ko at humarap sa bintana ng pumasok ang teacher namin. Weird. He's being really weird. Buong umaga ko siya inobserbahan at hindi siya natulog. Oo tulala lang siya at nakatingin sa labas pero hindi siya natulog.

Weird. Very. Weird.

Nang nag-lunch break ay kinwento ko rin kay Kamille at Sky ang lahat ng nangyari sa akin kagabi. Halos masabunutan na ako ni Kamille dahil hindi raw ako nag-ingat.

"He saved you?!" Ipit na sigaw ni Kamille ng marealize niya ang nangyari. Inirapan ko naman siya.

"Why wouldn't he? Kasalanan niya kung bakit nangyari sakin 'yun." Kibit-balikat kong sagot.

"Sabagay. Pero inakala ka talaga nilang girlfriend ni AJ? Grabe!" Natatawang sabi ni Kamille habang nilalantakan ang popcorn.

"Yeah, sucks right?"

"No. it's... it's cute." Cute? Anong cute dun?!

"Duuh! Anong cute dun? Eh kung sabunutan kita!" Gigil kong sabi kay Kamille.

"Akalain mo napagkamalan kayong mag-syota? Edi ibig sabihin may possi—" pinutol ko siya agad sa kanyang sinasabi.

"Heeep! No way. There's no way that will happen."

"Masyado kang defensive." sabay siko niya pa sa tagiliran ko. Tss! To talagang babaeng to.

"Matagal nakong defensive. Nag-usap lang naman kami nun." Sabay hablot ko ng popcorn na kinakain ni Kamille. Inirapan naman niya ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Complicated LoveWhere stories live. Discover now