Chapter 3

19 0 0
                                    



Cassie's POV

Oh-kay. I know it's weird pero... nanalo ako sa kanya sa pakikipag-argue? Di siya natulog pa hanggang matapos ang klase pagkatapos ko siyang pigilan. That's new. An achievement for me!

"Bespren, tapos ka na?" Napatingin ako kay Kamille habang tinatapos ko ang pagaayos ng gamit ko.

Tapos na ang klase namin. Agad namang umalis si AJ pagka-dismiss sa amin.

"Hinihintay mo ba ko? Sorry naman daw. Teka, sandali nalang."

"Dalian mo bes, nandito lang ako sa labas." Sabi ni Kamille sabay turo niya sa labas ng classroom namin.

"Asuus! If I know, nandyan lang sa labas si Skyler."

"Whatever!" Sabay irap niya sakin at lumabas ng back door.

Minadali ko naman yung ginagawa ko. Nagmamadali yung bruha eh. Nung natapos nako, lumabas narin ako ng room at agad nakita sila Kamille at Skyler na nakahilig sa railings at nakatingin sa field.

"Kitams! Tama ako." Sabay sila napatingin sakin.

"Chosera ka, bes. Tara na nga!" Natawa nalang ako sa kanya.

Naglakad nakaming tatlo papuntang lockers. Nang narating na namin mga lockers namin, nahirapan ako dun sa akin dahil magulo yung locker ko. Nagmamadali kasi ako maglagay ng gamit ko nung mga nakaraang araw.

"Bes, mauna na kaya kayo sakin? Aayusin ko muna tong locker ko." Sabay tingin naman nilang dalawa sakin. Sinilip ni Kamille yung loob ng locker ko at napa-ngiwi siya sa nakita.

"Sure ka ba? Sabay-sabay na tayo." Pagpupumilit niya.

"Eto talaga. I'll be fine. Don't worry! Tsaka di ba nga may tinatapos pakong papers na pinapagawa si Ms. Carreon?" napatingin naman siya kay Sky at balik sakin.

"Di mo pa ba natatapos yun?" Tanong niya na may halong pagaalala.

"Di pa nga eh. 2 days nalang bago yung deadline ko."

"Ha? Eh akala ko ba sabi niya kahapon sa isang linggo nalang?" Nagtataka niyang tanong. Pabago-bago kasi talaga ng isip si Ms. Carreon.

"Yun din ang akala ko kaso bigla akong minadali ni Ms. Carreon. Kakailanganin daw yun bago matapos tong month na to." Parang nainis naman si Kamille.

"Kahit kailangan talaga tong si Ms. Carreon! Di man lang niya isipin kung nahihirapan ka na ba o hindi pa." Sabi ni Kamille na may kasamang gigil. Natawa nalang ako sa kanya nun.

"Kam, it's my job. Vice President ako ng Student Council. Ako talaga yung inaasahan nilang gumawa nung report na yun." Then I smiled at her. "Sige na. Go ahead! I'll be fine. Enjoy!" Sabay wink ko naman sa kanila at tulak paalis.

"Text mo ko pag nakauwi kana ha? Ingat ka! Wag kang papagutom." Sabi niya habang naglalakad na palayo.

"Nagpaka-nanay nanaman yung bespren ko." Sabay roll ko ng pretty eyes ko.

"Sige na. To give me some peace of mind, okay?" Sabi niya with matching puppy dog eyes. Napa-buntung hininga nalang ako.

"Yeah, sure. Pati si Sky, itetext ko. Sige na. Chupi, chupi!"

At pinaalis ko na talaga sila. Inayos ko naman ng mabuti yung mga gamit ko sa locker. Nung satisfied nako ay sinara ko narin agad ang locker ko.

Saktong paglingon ko...

"Cassie..."

Pag lingon ko ay nandun si AJ nakatayo ng malapit sa akin. Kinagulat ko ang pag tawag niya sa akin sa palayaw ko. Pero lalo akong nagulat ng pinagitna niya ako sa dalawa niyang braso at malapit ang kanyang mukha sa akin.

"A-Anong.... K-kailangan mo?"

"May request lang sana ako sayo." Ang lapit niya talaga pero di ako nagpatinag.

"Ano yun?" Sabay look-away ko dun sa pagkakatinginan namin.

"Sana... sa susunod... wag na wag mong... pakialaman ang buhay ko. Naiintindihan mo?" Ano daw? Kelan ko ba ginawa yun?

"Ha? Anong....?" Nagtatakang tanong kaya napatingin ako sa kanya uli.

"Just mind your own business. Don't mind mine. Alam ko ang ginagawa ko. And besides, wala kang karapatang bawalan ako sa kung ano man ang gusto kong gawin."

"Pe....pero?"

"Mas maganda na siguro yun. Kesa naman sa madamay ka pa, diba?"

Nabigla naman ako sa sinabi niya. Tama ba ang hinala ni Kamille sa kanya? Binaba na niya yung left hand niya. Kaya dun ako napatingin. Malapit parin siya sakin. Mabuti nalang at wala nang masyadong tao nun kaya walang makakakita samin.

"Mag-ingat ka. Unuulit ko, mag-ingat ka." Ulit niyang sabi bago ako nilayuan at tinalikuran.

Umalis na siya. After niya kong takutin ganun nalang? Lalayasan niya ko? Pero natakot talaga ako dun ah. Pero.... Nevermind.

Pinakalma ko muna ang sarili ko ng ilang minuto bago ako naglakad papuntang SC office. Ng makarating ako doon ay agad ko ng sinimulan ang mga reports na dapat kong tapusin at asikasuhin.

Hindi ko naman namalayan ang oras at past 6pm na pala. Agad ko namang pinatay ang computer at kinuha ang gamit ko ng mapansin ang oras. Mabuti nalang at konti nalang matatapos nako kaya pwede ko nalang yon gawin bukas. Nagpaalam na ako sa mga iba kong kasama sa SC office para makauwi na.

Habang naglalakad naman ako sa corridors palabas ng school ay feeling ko may sumusunod sakin. Dahil nga feelingera ako, nagpatuloy ako sa paglalakad ng mabilis tapos ay bigla akong lumingon sa likod ko. Napatigil ako at nagkibit-balikat ng makitang wala namang tao.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero bigla nalang may nagtakip sa bibig ko at pinaamoy sa akin na kung ano. Naglaban ako pero wala akong nagawa at nawawalan ako unti-unti ng lakas. Hanggang sa nakatulog nako.


———

Xander's POV

Nandito ako sa park malapit sa school namin. Dito ako tumatambay pag wala kaming resbakan o meeting ang frat namin. Nakaupo ako sa swing g maramdaman ko na may tumama sa ulo. Agad naman akong napatingin sa likod ko pero wala naman akong nakita.

Aalis na sana ako ng mapansin ang isang bato na may nakabalot na papel. Napakunot naman ang noo ko at kinuha yon. Ano naman ito? Love letter? Tss. Napa-iling ako at binasa ang sulat na nasa papel.

AJ,

Hawak namin ang girlfriend mo.
Kung di ka sisipot sa lumang classroom sa likod ng school niyo, siya ang malalagot.

PAALALA: WAG KANG MAGSASAMA NG IBA.

Kanino naman kaya 'to galing? Gago 'to ah. Girlfriend? Sinong 'girlfriend' naman ang tinutukoy neto? Wala akong girlfriend leche naman!

Complicated LoveWhere stories live. Discover now