Chapter 19

8.2K 245 4
                                    

"Amore?"pagtawag niya sa kasintahan.

Nakaharap ito sa kawalan. Bago pa man niya ito malapitan para yakapin mula sa likuran nito ay mabilis ito nawala sa harapan niya.

Napapihit siya sa isang mataas na puno at mula roon walang takot na nakatore si Amore na wala na kahit anong emosyon sa mga mata nito.

" Amore..a-anong ginagawa mo dyan?"may pagtataka saad niya.

Napakabilis na pangyayari na isang iglap ay naroon na ang kasintahan.

Blanko pa rin ang mga mata nito na nakatunghay sa kanya.

"Hey,baby..bumaba ka na rito," saad niya habang nakatingala rito.

"Tama ka..nakakahigit ako kaysa sayo..malaki ang pagkakaiba natin dalawa," malamig nitong saad.

"A-anong sinasabi mo?"

Mataman at nagyeyelong tingin ang pinukol nito sa kanya.

"Kailanaman hindi tayo magiging magkapareho..magkaiba tayo,Alvin..sa lahat ng aspeto mas nakakaangat ako kaysa sayo," mariin nitong saad na nagpangilabot sa kanya.

"A-amore..n-naguguluhan ako," halos nahihirapan niyang saad.

Lumundag ito mula sa kinatatayuan nitong puno. Natigagal siya sa ginawa iyun ng kasintahan.

"Ikaw na isang tao at ako..na isang hinding tao,"

Nagulantang siya sa nakita niya at natulos siya sa kabiglaan.

"Amore.."

Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Alvin at pawisan ang buo niyang mukha. Habol din niya ang kanyang hininga.

Si Amore.

Napamura siya sa isip. Damn it,hindi magandang panaginip yun.

Natigilan siya ng maalala ang malaking hayop na nakita niya noon. Kamukha iyun na nasa panaginip niya kung saan sa panaginip niya ay si Amore ay naging malaking hayop na iyun.

Fuck?!

"What the hell is that?!"marahas niyang bulalas.

Napahilamos siya ng kanyang mukha.

Madilim pa sa labas ng bahay niya at sa palagay niya hindi na siya dadalawin pa ng antok.

Mabuti pang magjogging na lang siya.

Tama,para sa ganun mawaglit at marelax ang isip niya.

Napufrustrate na siya ng panaginip na yun.

Damn.

Mataas na ang araw ng makabalik siya ng bahay niya mula sa pagdya-jogging niya.

Napahinto siya ng mapansin niya na may nakaipit na puting papel sa windshield niya.

Agad na kinuha niya iyun.

You owe me,big time..Mr.Vecerel.

Nilamukos niya ang puting papel. Iyun ang pangatlong death threat na natanggap niya nitong mga nakaraan araw.

Alam niya at sino ang nagpapadala niyun sa kanya.

Isang sindikato na tinimbog nila noong nakaraan buwan at nakatakas ang mastermind mula sa kulungan na kailan lang nangyari at ngayon nga ay nanganganib ang buhay niya.

Fuck,hindi na niya iniintindi ang banta sa buhay niya dahil masaya naman siya ngayon.

Marahas siya napabuga ng hangin.

Nag-iingat naman siya at hindi rin niya hahayaan na mapahamak ang buhay niya at ang buhay ng kasintahan niya.

The wicked doctor : Dra.Amore Steveen(INCOMPLETED)Where stories live. Discover now