Chapter 24

7.9K 241 5
                                    

"Mabuti pang wag mo muna isipin ang trabaho mo dito,Vecerel," anang ng Chief commander niya sa kabilang linya.

Hindi lang talaga siyang sanay na hindi nagtatrabaho. Ito ang unang beses na nagleave siya sa trabaho.

Para naman iyun sa kaligtasan mo..anang ng isip niya.

"Pasensya na,Chief..ayoko lang talaga na nakaupo at naghihintay sa isang tabi..lalo na at isyu ko naman yun," aniya sa mahabang boses.

Hindi niya gugustuhin na marinig siya ni Amore. Hindi niya kailanman ipapaalam rito ang tungkol sa banta sa buhay niya.

"Ayokong mawalan na kasinggaling at kasingtinik mo kaya gagawin ko ang lahat masiguro ko lamang ang kaligtasan mo,I'll take care of it,Vecerel,tatawagan kita kapag may progress na.." pinal na saad nito sa pag-uusap nila.

Marahas siyang bumuga ng hangin. Napatitig siya sa kawalan. Naagaw ang pansin niya sa ganda ng paligid nababalot ng liwanag mula sa buwan ang buong paligid.

Ayon kay Amore dito daw nakatira paminsan-minsan ang mag-asawang Debloise. Alam niya talagang nagustuhan dito ng kababata niyang si Nhovie ang lugar na ito kaya mas gugustuhin niyun tumira dito kaysa sa magulo at maingay na siyudad.

Bigla nagvibrate ang phone at isang text message siya narecieve. Binuksan niya iyun at unknown registered ang number na nakarehistro sa inbox niya.

Ganyan nga iligtas mo ang buhay mo,magtago ka lang ng magtago pero hahanapin kita kahit saan sulok ka pa ng mundo magtago..baka nakakalimutan mo kung sino ang kinalaban mo,Alvin Vecerel..isang magiting na pulis ng bayan..

Napahigpit ang hawak niya sa phone niya at agad na binura ang mensahe iyun. Mukha talagang inalam nito ang lahat ng inpormasyon niya at pati personal na numero niya ang nakuha nito.

Muli nagvibrate ang phone niya at napatiimbagang siya na sa kaparehong number ulit nanggaling ang text message.

Oh,nakalimutan ko..maganda ang girlfriend mo..si Amore Steveen,a beautiful doctor.

Kung madali lamang niya madurog sa palad niya ang phone niya baka nangyari na sa sobrang diin na pagkakahawak niya roon. Ito na ang kinababahala niya ang madamay si Amore.

Tiim-bagang na binura niya muli iyun. Hindi dapat siya magpadala sa tarantadong iyun at ayaw din niya may mahalata sa kanya Amore na may bumabagabag sa kanya. Ayaw niya pag-alalahanin ito.

Humugot siya ng malalim na hininga. Pilit na kinakalma ang sarili.

"Alvin.."

Agad na pumihit siya paharap kay Amore.

"Amore.." aniya na may ngiti sa mga labi niya.

"Matulog ka na," anito.

Humakbang siya palapit rito at mahigpit na niyakap ito.

"Tabi tayo,pwede?"aniya.

" Sige,"agad nito tugon.

Agad siya napahiwalay dito." Talaga?!"

Ngumusi ito. "Oo,behave ka naman di ba?"

Damn it! Hindi kaya!

The wicked doctor : Dra.Amore Steveen(INCOMPLETED)Where stories live. Discover now