Chapter 35

8.6K 241 1
                                    

Nakatanggap ng promotion si Alvin pagkaraan ng isang buwan. Gumaling siya na hindi umabot man lang ng 24 oras. Iyun ay dahil sa kakaibang kakayahan ni Sana'a na makapaggamot ng hindi gumagamit ng kahit anong gamot.

Nakakalula na malaman na ang mga tao na nakapalibot sa kanya ng mga oras iyun na nasa hospital siya ay mga hindi tao. Tao pero may iba pang katauhan.

Mga lobo..gaya ni Amore. Nang una naguguluhan pa siya pero unti-unti naging malinaw sa kanya ang lahat sa tulong ng kababata niyang si Nhovie.

Isang buwan. Isang buwan na hindi kumpleto ang buhay niya. Wala si Amore. Hindi ito nagpakita sa kanya. Nirespeto niya ang desisyon nito dahil alam niya na hindi madali para rito ang nasaksihan niya sa tunay nitong pagkatao.

Nakakatawa pero parang baliktad nga ang nangyari. Dapat nga siya ang dumistansya rito dahil sa hindi kapani-paniwala tunay na katauhan ng dalaga. Pero heto siya umaasa na isang araw magpapakita ito sa kanya muli.

"Abala siya ngayon sa medical mission niya sa malayong probinsiya," inporma ni Gian sa kanya.

Isang araw dumaan siya sa bahay ng mga ito para makibalita tungkol sa kinaroroonan ng kasintahan.

He sighed. "Ayaw niya na ba kong makita?" aniya habang nakatitig sa inumin na nasa harapan niya. Nangalahati na niya iyun. Hindi iyun gawa sa rosas pero masarap na inumin iyun.

"Hindi naman ganun yun," anito.

Muli siya bumuga ng hangin. "Alam ko naman na kung ano siya,bakit ayaw pa niya magpakita sakin?"

"Minsan kapag nasusuffocate ang isang tao sa dami ng nangyari kailangan bigyan ng space ang taong yun para hind siya mapressure at sumabog iyun ang ginagawa niya,Alvin..ayaw niyang mapressure ka at bigla na lang sumabog sa dami ng iniisip mo sa mga nalaman mo,sa inyo mga tao hindi madali tanggapin ang mga tulad namin na iba sa inyo," matiim nitong saad.

"Isang kamatayan sa amin mga lahing lobo ang rejection,Alvin.."dugtong nito.

Napatitig siya rito. "Sinasabi mo bang irereject ko siya dahil lang sa isang lobo siya at hindi kami bagay?" saad niya.

Tumango ito. "Oo..ikaw ang mate niya,ang taong itinakda sa kanya na makakasama niya habambuhay," anito.

Napakurap-kurap siya. Narinig na niya sinabi iyun ng kababata niya. Na siya ang mate ni Amore.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa harapan niya.

"Ubusin mong yan inumin mo,makakatulong yan para hindi ka tumanda,sa itsura mo kasi ngayon parang dalawang dekada agad ang nadagdagan sa edad mo," anito sa kanya.

Napabuga siya ng hangin.

Hindi siya makapag-ayos sa sarili niya dahiL sa sobrang pangungulila niya kay Amore.

Sana naman magpakita na ito sa kanya at sabihin rito na tanggap niya ang tunay nito pagkatao.

Mahal na mahal niya ito kaya bakit niya ito irereject? Marahil dahil siya ang mate nito kaya ganun na lamang kabilis sa kanya ng matanggap ito.

The wicked doctor : Dra.Amore Steveen(INCOMPLETED)Where stories live. Discover now