Chapter 22

7.9K 246 6
                                    

Mataman at tahimik na pinagmamasdan ni Amore ang nahihimbing na si Alvin sa kama nito.

Nagpasya siya na magpalipas ng gabi sa bahay nito. Ngunit hindi naman siya makatulog gayun alam niya na nasa panganib ang buhay nito.

Naman,kanina lang may tatlong lalaki na umaaligid sa bahay nito para sa pagpapaplano ng mga ito na patayin ang lalaki.

Naikuyom niya ang mga palad. Kailangan niya maging alerto. Hindi niya papayagan na masaktan ang lalaking itinakda sa kanya.

Walang sinuman ang makakapanakit rito.

Maingat siyang umupo sa gilid ng kama at bahagyang kumislot ang binata na tulog na tulog pa rin.

Pinakatitigan niya ang gwapong mukha nito. Nauunawaan niya na nililihim nito ang tungkol dun mula sa kanya dahiL sigurado siyang ayaw  nito na mag-alala pa siya o malaman pa niya.

Maingat na hinawi niya ang naligaw na buhok sa noo nito.

"Hindi ka nila magagalaw dahil hindi ko hahayaan na mangyari yun,kaytagal kita hinintay,Alvin..hindi ako papayag na mawala sakin," anas niya habang nakatitig sa mukha ng binata.

"Handa kong ialay ang buhay ko para sayo..para sa kaligtasan mo," aniya.

Huminga siya ng malalim at magaan na pinatakan niya ng halik ang nuo ng binata.

Maingat at walang ingay na umalis siya sa tabi nito.

Tinungo niya ang rooftop ng bahay nito at mula doon pumuwesto siya para bantayan ang buong paligid.

Hindi siya maaari na matulog lang basta ng mahimbing sa tabi ng binata kung nanganganib ang buhay nito at hindi niya mawari kung bakit kampante lang ang binata.

Siguro ayaw lang niya mahalata o makaramdam ka na may bumabagabag sa kanya..o di ba,sweet..ayaw ka niya pag-alalahanin..alingawngaw ng inner wolf niya.

Pero syempre,hindi niya alam na alam naman  na natin,dagdag nito.

Okay,maging alerto lang tayo. No one can hurt our mate.

Nagising kinabukasan na nasa tabi niya si Amore. Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi niya ng mamulatan ito pagkagising niya.

"You are so beautiful,baby.." anas niya habang nakatitig sa natutulog pa rin na kasintahan.

"And..I love you so much," madamdamin niyang saad.

Sinasabi man niya ang mga salitang iyun na wala itong malay kahit papaano naiilet go niya ang tunay niyang damdamin para rito.

Why not tell her now,personally..outloud?

Marahas siya napabuga.

Siguro kapag wala ng banta sa buhay niya saka niya masasabi ang mga salitang iyun.

"Wala kang pasok,today?"untag sa kanya ni Amore. Abala siya sa pagluluto ng almusal nila.

Nagkibit siya ng balikat. "Ahm,on leave ako ngayon," aniya.

"Talaga? Gaano katagal?" anito.

"One week," tugon niya.

Natahimik ang dalaga maya-maya kaya nilingon niya ito.

"Kung ganun,sumama ka na lang sakin,gusto mo ba yun?" anito.

"Alam mong hindi ko tatanggihan yan," may kislap ng katuwaan sa mga mata niyang pagtugon ng mabilis.

The wicked doctor : Dra.Amore Steveen(INCOMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant