Simula

5 0 0
                                    

Take the risk? Seriously? Sa tingin ba nila ganon lang sa lahat mag take ng risk? Paano susugal kung nasaktan na ng sobra? Madala ka na girl!

Halos masira na tong mata ko kakairap sa TV dito sa harapan. Pano ba naman yung movie, it's all about giving one person a second chance! E sinaktan niya na yung babae e! Tas tong bestfriend sinasabihan yung bidang babae na

"If you love, Take the risk" hay nako! Masasaktan ka lang ulit nyan!

Sinalpak ko nalang ang earphones ko at tinignan ang view nitong dinadaanan ng bus. I'm on my way para sa isang vacation. Gusto ko munang mapag-isa at makapag-isip and I think this vacation will help, I hope.

Kainis sa dinami dami ba naman ng songs ko dito itong ' Stay' by Daryll Ong pa talaga? Nang aasar ba'to?!

🎶I want you to stay never go away from me
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again🎶

Kainis?! OO NA AKO NA INIWAN! AKO NA NAG IISA NGAYON! AKO NA ANG TAONG KINAILANGAN NG BAKASYON DAHIL NASAKTAN AKO!

Sinaktan ako e...

Ang sakit maiwan ng taong pinakaminahal mo...

Kaya oo ang bitter ko na! Pati yung movie dito sa bus kanina pinagdiskitahan ko! Anong magagawa ko? Nasaktan ako e, walang ng panahon para maniwala sa FOREVER na yan!

"Walang forever" I sighed, e totoo naman kami. For me,totoo. Kung usapang experience lang rin naman e

"Nasugbu? Meron ba?" Sigaw nung manong na kundoktor dito sa bus, mukhang malapit na ako

"Meron po manong!" Sigaw ko kasi nasa harap siya at medyo likod na ako, medyo mahina lang kasi yung music ko kaya narinig ko parin

🎶 And now I must move on
Try to forget all the memories of you and me 🎶

Ano ba yan,nabigyan ko nanaman ng pansin yung music. I must move on na talaga, wala na e. Napansin kong medyo nasa town proper na kami, kaya sa tingin ko malapit na talaga ako bumaba

"Mga Nasugbu jan, pwede na kayong bumaba jan!" Sigaw ni kuyang konduktor, YES! Tama ako nandito na ako kung saan ko mahahanap ang kapayapaan

Habang naglalakad ako pababa aba't may lalaking nakatitig pa sa labas! Dont get me wrong,kaya ko napansin dahil sa tapat mismo siya ng pintuan nakatambay!

"Excuse me"I said in formal tone, anak ng----- parang palang narinig si kuya!

"Kuya baka naman? Nag mamadali ako oh! Pati ba naman pagbaba pag hihintayin pa ako? Pagod na pagod na ako ah!" Sabi ko sa kanya ng malumanay, I dont care kung may makarinig tutal wala ng tao dito sa bus kami nalang

Ahhhh earphones! Naka earphone ka pala ah! O wait!

"Ano ba't?!" Sigaw niya sakin na parang di talaga alam na may dadaan pa sa likod niya

At ako yun!

Hinila ko rin ang earphone sa kanan nyang tenga!

" I said excuse me,mga 10 minutes na rin kasi akong nakatayo dito at 15 minutes ka na ring nakatunganga jan sa pintuan! Kriminal ka ba at naghahanap kapa kung may makakakilala sayo?" I said in a sarcastic way,aba shempre kanina pa ako

Take The RiskWhere stories live. Discover now